wHo ReAlLy aM I

My photo
Why Does it Always Rain on me. Nobody Dies Virgin cause in the end life Fucks us all.

December 5, 2010

MY YOUNGER YEARS SA UNCLE KO CHAPTER 3 (ANG PAGTATAGPO)

Kumain si Jm na katabi ko; at kumain na din ako.

Maya maya kinausap ako ni mark.

Hon, after nating kumain. Pahinga muna tayo saglit, saka tayo mamili ng kailangan nitong kumag, ..sabi niya.

Okay, kasi pagod din ako sa kakaantay ng sundo natin na matagal dumating. Tsaka dadaan muna tayo din doon sa amin kasi si marvin ihatid pa; pero pag mamili tayo, wala akong pera, heheheh ubos lahat ng kaperahan ko..sabi ko din.

Bakit? Sabi ko ba’ pera mo ang gagamitin? Alam ko namang’ wala kang pera eh, nakita ko ang wallet mo, nako nag trabaho kapa tapos wala namang pera. Tsk tsk tsk tsk

Wag kang mag alala, mag kakapera din ako mamaya, mang hold up ako. Hahahahaha

Kanino ka naman mang hold up?

Sa’yo eh, hehehehehehehe

After naming kumain, nag pahinga muna and binihisan si Jm. Pero dyos koh, imbis na mag pahinga, hindi na nakapag pahinga kasi nangungulit na naman si JM.

Daddy, I want to drink milk daddy. Please

Ang daddy mark niya na nakahiga, uminit ang ulo..

JM, will you please wait for a while? Daddy want to rest. I’m tired lifting those baggage’s please. We will buy your milk later. Lie down here beside me.

Sumunod naman si Jm na humiga sa tabi niya and natulog sila nang ilang saglit; while ako todo sa pag aayos ng mga gamit nila sa lagayan ng damit ni mark.

After 1 hour na pagpapahinga ni mark, JM and Marvin. Tumayo si mark and nagbihis siya. Kasi aalis na kami, mamimili nag kailangan ng bata at siya din at kung ano pang mga kakailanganin.

Nag paalam na kami sa mommy ni mark na mamili muna and ihahatid si marvin doon sa bahay ng tita ko; binili lahat ng kailangan namin’ matao pa naman ang mall, dami ding namimili. Pero ayos din naman kasi nakalusot din kami at pagkatapos pumunta na ng bahay naming sa Camilla homes,,

Pag dating namin, tahimik talaga ang bahay, wala si kuya welmar, nag pahinga na din kasi sa kakawashing ng sasakyan.

Ang bumukas sa amin si ate joy,

Binati din naman niya ako and si mark din; at pagpasok namin’ sa loob, andoon yong kapatid kung walang hiya. Sinira ang gamit ko; pero no choise na, kasi sira na,

Kuyaa justinnnnnnnnnnnnnnnnnn, sigaw ni Ronald, di kasi siya pumasok, sa skwela kasi tinamad, hahahahaha

Kuya justin, saan ang pasalubong mo? Tanong niya..

Ammmmmmmmmmmmmmpffffffffff, pasalubong agad ang hinanap.

Meron sir,,andito sa bag, di pwedeng wala kayong pasalubong. Kasi alam ko naman na iyon ang una niyong hanapin eh;


Kinausap din niya si mark; kuya mark anak mo yan? Tanong niya..

OO, si JM, sagot ni mark

Hello JM, halika kain tayo nang chocolate; kinuha niya si JM and dinala sa kusina.

And bumaba ang mga kapatid ko. Si Melchor and Jayson; sinabihan ko sila . Hoy! kayong dalawa! Bakit hindi kayo pumasok?Una sumagot si Jayson..

Kuya, mamaya pang 2 : 30 ang pasok ko. Iwan ko nito si kuya mel. Absent na naman! Sabi niya…

OH! Ikaw? Bakit dika pumapasok? Kailan paba wala si tita? Kaya pala dika pumapasok kasi wala si tita.

Wala! Boring lang ang klase ngayon, noong nakaraang araw pa. pero uuwi naman si tita ngayon, mamayang hapon pa siguro kasi iyon ang sabi naman nila.

Kuya, ilang araw kayo dito? Tanong ni Jayson.

2 weeks lang, pero sige, iwan ko nalang muna si marvin dito. Tawagan niyo nalang ako doon kina mark pag andito na si tita mamaya hapon; pupunta kami dito mamaya ha..

Sige kuya!!!

Sige, alis na kami!!!! Sabi ko

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe pauwi sa bahay kina mark, sinabihan ako ni mark .
“Hon, tinanong ako mommy kung ano daw ang plano natin kasi sabi ni mommy gusto daw niyang makita ang tita mo. “

Eh, wala pa sila tita, pero kung tatawag sila mamaya. Puntahan nalang natin..

Sige ! sige ! kasi ilang araw lang tayo dito. Sabi niya.

“ Pagdating namin’ sa bahay, tinanong naman kami sa mommy ni mark”

“Justin, ano’ na ang plano niyong dalawa? Kailan namin’ makita ang tita mo pala? Mga magulang mo?”

Eh tita, si tita ko ‘po wala pa po siya. Pero mamayang hapon uuwi na sila. Siguro tita mamaya mo nalang po ma meet po sila if ever.

Sige basta! As much as possible, ma meet na namin’ sila kasi on the other day ma set na ang engagementniyo; sabi ng mommy ni mark; at pagkatapos naming mag usap regarding sa engagement party na yon, dumeritso kami ni mark sa kwarto at ang mga katulong na ang mag aayos noong pinamili naming pagkain at kung ano ano pa.

Noong nasa kwarto na kaming tatlo; dating gawi ang walang humpay na higa, pero si mark hindi humiga; pinag kukuha niya ang mga kurtina kasi hindi daw nalalabhan, napansn niya noong pag pasok palang ngunit, dahil pagod siya, hindi niya muna pinansin ang mga ito.

“ habang nag tatanggal siya, naisipan ko ding tumulong, “

“hon, tutulong na ako! Hindi ka naman nag pahinga eh, sabi ko, pero sabi niya; Huwag na, tabihan mo nalang si Jm sa pag higa; ayon oh! Pagod kaya nakatulog agad; doon kana muna,di kana man din marunong eh! Tatagal pa tayo kung tutulong ka pa! sabi niya.

“okay! Granted!! Hehehehe sabi ko.At bumalik ako sa higaan at tumabi ky JM.

Abah! Pagising naming dalawa ni JM my new color na ang curtain sa kwarto, kulay blue with matching bulak bulak pa. diko alam kung saang sulok niya kinuha.pero infairness maganda talaga ang pag ka ayos ng kwarto.
Around 3:30 in the afternoon, meryenda time na.

Nagluto pala ang mommy ni mark ng spaghetti and naghanda ng ham with cheese; baka kasi hindi magustuhan ang lasa ng spaghetti atleast meron pang isa na makakain.

Antagal gumising ni Jm, kaya ang ginawa ko ay ginising ko nalang, hahahaha.

Baby, baby, wake up! Wake up!

Dumilat naman ang mata niya. “ Come here, come! Come baby!”

We will eat downstairs. Sabi ko.

Grand mom, cook delicious food for you.

Sa narinig niyang delicious food, hahahaha ambilis tumayo, matakaw kasi pag kainan, gusto parating may kinakain. Lalo pag favorite niya. Walang kasawaan.

Yeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee,

Tapos kumalambitn sa dibdib ko.

Bumaba na kami.kumain,

“ andaming nakain niya; sarap na sarap sa luto ng kanyang lola niya.and after kumain, rest ulit. Hahahaha, walang humpay na pahinga!!!

Mag tatakipsilim, may tumawag sa telepono..

Kringgggggggggggggg, kringgggggggggggggg. Kringgggggggggggggggg.

At dahil sa kinandong ni mark si JM, hindi siya makatayo agad kaya ako ang sumagot sa telepono..

Justin: hello? Magandang gabi. And nakinig sa other line;

Caller: pwedeng makausap si Justin? Pakisabi tita niya ito.
Justin: ay, tita good eve, it’s me here, your pamangkin..hehehehe
Tita: he! Puro kalang kalokohan! Dyan ba ang mommy ni Mark?

Justin: opo, dito, maya maya kunti darating din ang daddy ni mark
Tita: pwede ko bang makausap?
Justin: sige po, puntahan ko, pls stay on the while you’re request is being process, hehehehe sabay alis.

Mark, saan ang mommy mo? Kakausapin daw siya ni tita, sabi ko.

Puntahan mo doon sa kusina nag luluto.

Ha? Ako kakausap sa mommy na kausapin siya ni tita? Di kaya kakahiya? Ikaw nalang utos ko.

Ikaw na, sus nahihiya kapa ky mommy. Tawagin muna doon, nag hihintay ang tita mo sa telepono.

Wala akong magawa. Kundi ang lumapit sa mommy ni mark.

Tita, tita , tita Kausapin ka daw’ ng tita, nasa telepono po naghihintay. Sabi ko.

Sige sige. At agad naghugas ng kamay at nag instruct sa katulong, kayo na magpa tuloy sa pagluluto At agad tinumbok ang telepono sa sala.

Hello Ms. Vencer good evening.

Yon lang ang narinig ko. Siguro in 30 mins nilang nag uusap;my tawanan at nag kukwentohan pa.

After sa kanilang pag uusap. Dumating na ang daddy ni mark at sinalubong ni mark at niyakap!at nagkiss din kami ni JM.

Oy! Oy! Oy! Ang laki na ng baby..how are you baby? Tanong ng daddy ni mark ky Jm

I’m fine dad. At kinarga siya ng daddy ni mark.

Oy! Ang bigat mo na Jm. Mana ka ata sa tatay mo. Mabigat noong bata pa..

Oh!kuamin na kayo? Tanong ng daddy niya.

Hindi pa. sabay na tayong kumain.dad.

Ang kuya mo? Saan?

Diko alam dad. Si mommy nalang tanungin mo.”Maya maya lumapit ang mommy ni mark”

Kumain na tayo kasi may mahalaga tayong pag uusapan tungkol nitong dalawa; kaya pumunta na kami sa kainan at habang kumakain, nag salita ang mommy ni mark;

Sabi ni ms. vencer dad na bukas aayosin na natin ang tungkol nitong dalawa, maghanda na tayo saengagement party nila. Tapos sabi niya, ipapakuha naman daw niya ang mga magulang ni justin doon sa northern Mindanao; at mamayang madaling araw ang byahe ng driver nila, sabi ni ms.vencer tutulong din siya kung ano ang mga dapat gawin at kailangan bukas na bukas maayos na ang set up lahat , siguro dyan nalang natin gawin ang handaan sa bakuran na natin. Sabi niya.

Sumagot ang daddy ni mark

OO nga mark, magpapakasal na talaga kayo, dapat kung ganoon man; pipiliin natin ang’ ating mga bisita kasi di natin hawak ang kanilang pag iisip, maaring nagkukunwari lang silang sang ayon; pero may mga side comments pala.pipiliin lang natin yong malapit sa ating pamilya.; at kilan ba ang balak niyong mag pakasal sa Canada?

Dad, kung maari po ay sa October na ho kasi sabi ni justin, hindi daw siya din pwede magtagal doon kasi may aayosin din silang negosyo ng tita, siguro matapos ang kasal sa Calgary, after 1 month siguro or ilang araw pa. pupunta na din kami sa Scotland, sabi niya.

Oh, justin! Talaga nabang doon na kayo manirahan,? Tanong sa daddy ni mark

Opo, tito, at doon din si Jm mag aral kasi kung doon padin sila sa Calgary parang useless po eh. Sabi ko.

Talagang useless at pangit! Nagpamilya na kayo pero magkahiwalay. Dapat sama sama kayo.

Doon kami magpakasal sa Calgary dad, since may trabaho pa ako doon, hindi ko muna iiwan ang trabaho hanggang doon pa kami ng ilang araw. Sabi ni mark; mabuti yan kung ganoon. Okay, after nating kumain, bibisita tayo ngayon sa bahay ninyo justin, gusto kung makita ang tumayong magulang mo. Gusto ko silang makausap.sabi ng daddy ni mark.

“sige po tito, excuse me for a while and tumayo and tinumbok ang telepono para masabihan ko si tita na’ gusto silang makausap sa daddy ni mark personally.

Kringggggggggg, kring……………..hello

Justin: saan si tita? Daliiiiiii bigay mo sa kanya ang telepono.

Okay okay sagot sa kabilang linya.

Tita: bakit? Bakit ka natataranta?
Justin: Ta, maghanda kayo dyan ngayon, kasi pupunta dyan ngayon ang daddy ni mark and mommy niya. Gusto kayong mameet personally daw.

Tita: okay, anong problema dun?
Justin: wala, sige’ ta mag luto kayo dyan ng makakain niyo habang nag pa-plano. Sige’ta kakain muna ako.
Tita: okay. No worries.

After naming kumain lahat, naghanda din ang mommy ni mark and daddy niya, nagbihis. Habang kami naman inayusan ang munting anghel namin’ hehehehe ; siguro 30 minutes na pag aayos ay umalis na kami papunta sa bahay namin’ . Almost 20-30 minutes ang byahe papunta sa amin. Well na impress naman ang mommy ni mark sa subdivision na natirhan ni tita ,

“Justin, alam mo, ang ganda ng napili niyong lugar, tahimik tsaka mapuno pa. siguro hindi na kayo masyadong nag e-aircon kasi malamig na.

“Hindi po! Mainit din po doon sa looban po.” Maya maya ay dumating na kami sa harap ng bahay namin’ ; nag doorbell ako. “ tinininggggggggggggg, tininingggggggggggggggg.

“sandal lang…….” at bumukas si ate edna,

“ sir justin, kayo po’ pala! Pasok po kayo; at pumasok kaming lahat at dumeritso sa sala.

At ito ang unang beses na pagkikita nila.

Mr. Beltran Good evening, bati ni tita ko sa daddy ni mark and mommy.

Please have a sit.

Nagsalita ang daddy ni mark. Mrs Vencer, huwag na nating patagalin ang usapan natin kasi doon din naman tayo tutungo. Pumarito kami para sa plano nitong dalawa, at kung maari ay gawin natin nang mas maagang panahon, Hindi naman kami tutol kaya bukas sa kalooban namin’ ito

AW!kung ganoon man, ay sang-ayon din ako.wala na tayong pag usapan pa Mr Beltran;

So bukas, ayusin na namin’ para samakalawa magaganap na ang celebration nitong dalawa.

Maya maya, inalok na ni titan g makakain ang daddy ni mark at inabutan ng champagne glass para sa red wine.

Habang pina nood ko silang nag kwentohan, tawanan, sa isip ko, pa red wine red wine pa! pwede naman bumili ng shocktong sa kanto o kaya’y vino viagro. Hehehehe

Natapos ang kanilang pag uusap mag 10 0clock na. naka tulog na si JM, inaantok na din ako.

Umuwi na kami and nag paalam sa kanila for tomorrow’s preparation…..

No comments:

Post a Comment