wHo ReAlLy aM I

My photo
Why Does it Always Rain on me. Nobody Dies Virgin cause in the end life Fucks us all.

June 13, 2011

Confused?

Ang weird isipin na kahit nagsusulat ako dito e hindi ko pa talaga alam kung ano ako, ang mas weird pa e dahil 21 na ako samantalang yung iba, 3 years old pa lang e alam na nilang bading sila. Hindi rin ako magkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa sex dahil wala akong naging sexual encounter sa kapwa ko lalake, maniwala ka man o hindi.




Hindi ako bading. Yun lang ang sigurado ko sa ngayon dahil nagkakagusto ako sa mga babae at nagnanasa rin ako na makatalik sila tulad ng isang straight na lalake. Pero merong kung ano sa akin na nagsasabi na hindi ako pwedeng maging straight dahil may attraction ako sa kapwa ko lalake pero hindi ko naman maimagine ang sarili ko na makipagsex sa kanila. Lumaki ako na kahit sabihin ng ibang may itsura e hindi ko naman maconsider yung sarili ko na gwapo at dahil medyo may katabaan ako nung mas bata ako e parang natutuwa akong makakita ng mga taong mas gwapo at mas maganda ang katawan sa akin. Buong buhay ko, akala ko inggit lang yun at parang inspirasyon lang para maging mas ok yung itsura ko hanggang sa bago ako magtapos ng hayskul e may nagyaya sa akin ng sex. Bisexual classmate ko yun at kaclose ko at hindi ko lang maimagine na ganun siya. Tumanggi ako pero hindi ko siya nilayuan, hindi ako nandiri sa kanya pero sa yugtong iyon e hindi ko kayang pumatol sa kapwa ko lalake, para sa akin, hindi kasi tama. Ganun din kasi ako pinalaki ng mga magulang ko at sa kinalakihan ko e parang hindi nag-eexist ang isang tao na pwedeng makipagtalik sa babae at sa lalake.. pwede kang maging straight, pwede kang maging bading pero hindi pwedeng nasa gitna ka non.. ganun ung akala ko non.


Mula ng araw na iyon, parang napag-isip ako kung anong meron sa ganon at siguro dahil meron din akong hinahanap na sagot sa mga tanong ko sa sarili ko. Andami kong natutunan, nalaman ko ang iba't ibang bagay ukol sa same sex encounters, tiningnan ko kung malilibugan ako sa mga "gay porns", oo naman ang sagot pero sa isang paraan na parang nanunuod lang ako ng isang straight porn. Wala talagang diperensya. Dumalas ang mga alok saken ng iba't ibang mga tao tungkol sa sex at kadalasan sa mga ito ay mga bading o kaya'y bi... tumatanggi pa rin ako. Hindi ko kasi alam kung kaya ko at kung matatanggap ko ang sarili ko pag nagawa ko yun dahil nga labag sa mga kinalakihan kong values ang mga ganung bagay pero sabi ko sa sarili ko, baka nga ganun ako.. baka nga bi ako pero ang weird dahil sa dami ng bi na kakilala ko, parang bading na rin sila na lalake na ang favored partner nila na totally different sa aking preference dahil hanggang ngayon e babae pa rin ang gusto kong makasama at hindi kapwa ko lalake. Nagdesisyon ako na tanggapin ang
probabilidad na siguro nga bisexual ako pero ngayon, parang pag tumitingin ako sa mga lalake na maganda ang katawan at gwapo, parang wala na yung inggit, mas madalas ko na ngang sabihin na "hindi rin! mas gwapo pa ako dyan e!" at tungkol sa gay porn, parang nauumay ako at mas gusto ko na talaga ang straight porns.

Nalilito lang ako. Nalalabuan. Di ko alam kung nacurious lang ako o naconfused dahil may ilang offers ng mga same sex encounters at lumaki ako na parang hindi confident sa physical features ko o baka naman bi talaga ako. Magulo lang. Ang hirap tuloy maging committed. Hindi ko rin masabi na bi nga ako kasi nga hindi ako sigurado at dahil na rin sa mas gusto kong magkaroon ng pamilya at babae na magmamahal sa akin na parang magiging mahirap kung ipangangalandakan ko yung mga dilemmas ko.


I would respect everyone's opinions but please don't be too rude... I just stated my case hoping that someone can give me an advice or pwede ring magsabi saken na, ganun din siya at kung ano na siya ngayon... I would totally appreciate that. Thanks.