wHo ReAlLy aM I

My photo
Why Does it Always Rain on me. Nobody Dies Virgin cause in the end life Fucks us all.

February 25, 2011

Si Utol At Ang Chatmate Ko 25

Wala na akong choice kundi ang sumunod kay kuya sa kuwarto. Bagamat may pangako akong ilayo na ang sarili sa kanya, kinalimutan ko muna ito gawa nang kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang babae at mag-asawang iyon.

Inilock kaagad ni kuya ang pinto pagkapasok na pagkapasok namin sa kuwarto. Nagulat naman ako noong bigla niya akong kinarga sa kanyang mga bisig at iniikot-ikot. “K-kuyaaaaa! Ano baaa! Ibaba mo ako!!!” ang sigaw ko habang tuwang-tuwa naman siyang painaglalaruan akong parang isang bata. Marahil ay iyon ang paraan niya upang ma-distract ako sa aking itinatanong.

Matagal-tagal din niya akong pinaikot-ikot at naramdaman ko ang pagkahilo. 

Maya-maya, ibinagsak niya ang katawan ko sa ibabaw ng kama. “Arrggghh! Sigaw ko. 

Pinilit kong tumayo upang makaganti ngunit noong nakatayo na ako at susugurin ko na sana siya, umikot naman ang paligid ko. Bagsak uli ako sa kama.

Agad siyang sumampa sa tabi ko. Niyakap niya ako, hinalik-halikan ang aking pisngi. “Mawawala din iyan.” Sabay lapat ng mga labi niya sa parte ng dibdib ko kung saan naghilom na ang sugat gawa ng pagkagat niya. Hinawi niya ang aking t-shirt at dinilaan ang parteng iyon ng aking dibdib at pagkatapos ay, “Kagatin ko uli tol... naghilom na pala an gsugat eh...”

“Ayoko kuya ansakit kaya... Sino ba iyong mag-asawa na niyon?” Ang paggiit ko uli sa tanong.

Bigla din siyang tumayo. “O sige, magsasayaw na lang ako.” At tinumbok niya ang stereo at pinatugtog ang isang mellow na music.


Nagsasayaw siya, kagaya noong palagi kong nakikitang ginagawa niya kapag sinisilipan ko siya. Tinanggal niya ang kanyang t-shirt at pagkatapos habang kumikembot, hinahaplos-haplos ang dibdib pababa sa umbok ng kanyang pagkalalaki habang ang isang daliri ay sinisipsip-sipsip, ang mga mata at nanaunuksong nakatingin sa akin.

Tawa ako nang tawa sa kanyang ginawa.

Maya-maya, tinanggal na niya ang kanyang t-shirt at inihagis ito sa sahig. Ibinaba din niya angzipper ng kanyang pantalon, at hinayaang malantad ang kanyang puting brief na may malaking bukol. “Nakakalibog talaga si kuya!” sigaw ng utak ko habang pinagmasdan ang hunk niyang katawan, dagdag pa sa pagti-tease niyang hayun, naka-usli ng bahagya ang kanyang bukol sa ilalim ng brief.

Tawa pa rin ako ng tawa. Sobrang aliw ako sa ginawa niyang iyon na tuluyan ko nang nalimutan ang tanong ko.

Maya-maya, tuluyan na ring hinubad ni kuya ang kanyang pantalon. At noong brief na lang ang natirang saplot sa kanyang katawan, hinila niya ako at isinabay sa kanyang pagsasayaw. Sumang-ayon ako. Niyakap niya ako, at ang kanyang ulo ay idinikit sa aking ulo, ang kanyang at bibig ilong ay sadyang ikiniskis sa aking noo, ilong, mukha... Sobrang sweet ni kuya sa pagkakataong iyon. Sabagay, ganyan naman talaga siya, lalo na kung may mga bagay na ayaw niyang magalit ako, o may pabor siyang hihilingin sa akin.

Halos maglapat na ang aming mga labi noong muling sumingit sa isip ko ang pangakong ilayo na ang sarili ko sa kanya. At muli ko na namang nalala ang babae...

Kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin t anupo sa gilid ng kama. “Sino iyon kuya?” tukoy ko sa babae.

“Wala nga iyon, ang kulit naman eh. Kiss na lang si kuya, dali...” ang tangka niya muling pagdivert sa topic.

Ngunit seryoso ako sa aking tanong. “Ayoko! Sino nga iyon kuya... Sabihin mo.”

Napahinto kami sa pagsayaw at naging seryoso din ang kanyang mukha. “Gusto mo talagang malaman kung sino iyon?”

“Oo nga eh... sino iyon?”

“Nakita mo ba ang expression ng mukha niya?”

“Opo...”

“Ano excited ba o galit?”

“Hindi ko alam! Parang galit eh... parang excited din.”

“Tama ka... galit iyon at excited din. Pero hindi ikaw ang pakay noon kundi ako!”

“Hah!” ang gulat kong sagot. “Bakit sa akin siya nakatingin?”

“Hindi sa iyo nakatingin iyon, tado. Sa akin! At kaya nagmamadaling makapasok na tayo sa kuwarto ay dahil ako ang hinahanap ng mga iyon.”

“G-ganoon ba?” Ang nasambit ko bagamat nalilito pa talaga ako. “B-bakit ka naman nila hahanapin?”

“Girlfriend ko ang anak nila at patay na patay sa akin. Natandaan may ilang buwan ang nakaraan na naka-ilang beses din akong nagpalit ng sim? Dahil kinukulit ako noong babaeng iyon. At tinakot ako na kapag hindi ko siya pansinin, isusumbong daw niya ako sa mga magulang niya dahil... buntis daw siya, at ipakulong niya ako! At kaya ayokong sabihin ito sa iyo dahil ayaw kong magwala ka na naman.”

Natulala ngunit ewan, may pag-aalangan talaga sa aking isip kung paniwalaan ko ba ang kanyang sinabi o hindi. Sinimangutan ko na lang siya.

“O... bakit ganyan ang mukha mo? Hindi ka ba naniniwala?”

“P-parang ako naman talaga ang tinitingnan noong babae eh!” ang pag protesta ko pa.

“Sino ba ang habulin sa ating dalawa? Ikaw ba o ako?” ang pilosopo naman niyang tanong.

Na lalo ko namang ikinaiinis. Syempre, siya. Matangkad, guwapo, charming, yummy, magaling maglaro ng basketball, hunk, maraming humahanga, crush ng sambayanan, kilabot ng mga estudyante at guro, epal, palakaibigan, jolly, masarap kasama, masarap kausap, kaka-in love ang ngiti, at sa tingin pa lang niya sa iyo ay parang masisiraan ka na ng bait... “Yabang mo naman!” ang pagmamaktol ko.

“Bakit? Totoo naman ah!”

“Totoo nga. Pero bakit ikaw, habol ka ng habol sa akin!” ang padabog kong sagot sabay tumbok sa pintuan ng kwarto niya at palagapak kong isinara na sa lakas ay halos matanggal ito.

Pakiwariko ay biglang natameme si kuya at nabusalan ang bibig, hindi na nakapagsalita.

Tuloy-tuloy lang ako hanggang sa nakalabas ako ng kuwarto ni kuya.

Sinubukan kong silipin ang sala kung nandoon pa ba ang mag-asawa. Ngunit nakaalis na sila. Dumeretso ako sa aking kuwarto, ini-lock ang pinto ito at doon nagmukmok.

Sumunod si kuya sa akin. Kinatok niya nang kinatok ang aking kuwarto ngunit hindi ko na siya binuksan. Bumalik siya sa kanyang kuwarto at pinukpok ang nakapagitang dingding sa kuwarto namin, sa may maliit na silipang butas na ginawa ko, isinigaw ang pangalan ko, nag-sorry, at nagmamakaawang papasukin ko siya sa kuwarto ko.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Tinext ako, tinawagan. Wala, dedma lang ako. Hanggang sa napagod na rin siya, natulog.

Kinabukasan, tinanong ko kaagad ang mama ko kung sino ang mag-asawang bumisita sa amin sa nakaraang araw.

“W-wala iyon. Kaibigan ko iyong babae, nakapag-asawa na ng isang mayamang Amerikanong negosyante at hindi ko akalaing ganoon na siya kayaman ngayon! Nagbakasyon lang sila dito...”

“Ah... g-ganoon po ba? B-bakit po niya ako tinuturo kahapon? At para pong kilala niya ako?”

“Ah...” ang lumabas na kataga sa bibig ni mama, mistulang nag-iisip kung ano ang isusunod na sagot. “E... ano... N-nagulat lang iyon noong makitang malalaki na kayo ng kuya mo! Maliliit pa kasi kayo noong makita niya, hindi makapaniwalang ganyan na kayo kalaki at kaga-guwapo! Oo, nagulat lang iyon noong makita kayong dalawa na malalaki na kayo...”

“G-ganoon ba ma?” ang sagot ko na lang. “Para kasing kilala niya ako e...” dugtong ko pa.

“Oo naman. Kilala niya kayo dahil kaibigan ko iyon at nakita niya na kayo noong bata pa kayo ng kuya mo.”

Napanatag naman ang aking isip sa paliwanag ni mama bagamat may kaunting agam-agam pa rin ako.

Sa sumunod na mga araw ay pinilit ko na talaga ang sariling panindigan ang pagdistansya kay kuya. Palagi din kasing sumingit sa isip ko si Zach. Naawa ako sa kalagayan niya sa ospital, naaawa din ako kay kuya. At ang pagkakaalam ko pa sa kalagayan ni Zach ay walang improvement ito dahil sa may sinasabing mga complications na hindi ko na rin inalam kung ano.

Kaya hindi na ako sumasabay pa kay kuya sa kahit saang lakad. Kahit sa school, hindi na rin ako sumasabay. Kapag kainan, nagpapahuli ako. Hindi na rin ako pumapasok sa kwarto niya at hindi ko na rin siya binubuksan kapag kumakatok sa kwarto ko.

Ewan kung ano ang naramdaman niya sa bigla kong pagbabago. Masakit din iyon para sa akin ngunit kailangan kong gawin upang mabigyang laya sila ni Zach. Sila naman talaga ang bagay at nararapat. Hindi sila magkapatid, bagay na bagay sila sa isa’t-isa dahil pareho silang mapuputi, matatangkad, hunk, mahal na mahal siya ni Zach, mayaman pa...

Syempre, takang-taka si kuya sa inasal ko. Natuliro din siguro. Ilang beses nang sadyang uuwi akong mag-isa galing sa eskuwelahan na pinapasuklan namin at iiwanan ko na lang siya basta. Kapag nahuli naman ako, kahit alam kong hinihinty niya ako sa student center, dederetso na ako niyan sa bahay ng walang pasabi.

At kapag tinanong niya ako kung bakit hindi ako sumasabay sa kanya, nag-aalibi na lang ako na maagang natapos ang klase ko, o kaya ay gusto kong umuwi ng maaga gawa ng sakit sa ulo, sakit sa tiyan, sakit ng lalamunan, sakit ng binti... basta kahit anong sakit o alibi na lang ang ginagawa ko. Alam ko, naiinis siya sa akin. Pero, iyan naman din ang gusto ko, ang mainis siya, ang i-give up niya ako at layuan... Lalo kasing masakit na heto, gusto mong lumayo ngunit nand’yan siya, ayaw pa ring bumitiw. Parang hindi ko kayang labanan ang sarili. Para akong tino-torture, tinatadtad ang puso, kinokonsyensya.

At least kung galit na siya sa akin, at lalo na kapag sabihin niyang nagsasawa na siya, o kaya ay hindi na niya kaya ang ugali ko, give up na rin siya sa aming relasyon, hindi na siguro masyadong masakit ang tumiwalag sa aming relasyon...

“Mag-usap nga tayo?!” Ang sambit ni kuya noong marahil ay hindi na niya nakayanan ang aking ipinakitang pagbabago. Matigas ang boses niya, halatang galit. Nasa sala ako noon nanood ng tv samantalang siya ay kararating lang galing sa eskuwelahan.

Ngunit imbes na sagutin siya, agad akong nagmadaling umakyat papuntang second floor kung saan naroon ang kuwarto ko.

Ngunit nahawakan niya ako sa braso. “Saan ka pupunta?” tanong niya.

“S-sa kuwarto ko.”

“O sige, tara sa kuwarto mo! Mag-usap tayo doon. Hindi pupuwedeng ganito na lang palagi...”

Dahil naisip kong kapag nasa kuwarto kami ay baka bibigay na naman ako o kaya ay tutuksuhin niya at may mangyari na naman sa amin, ang isinagot ko sa kanya ay, “D-dito na lang.” sabay balik sa pag-upo sofang inuupuan ko.

Ngunit hinablot niya ang aking buhok at hinila upang makatayo ako. Noong makatayo na, hinatak naman niya ang aking kamay habang tinumbok niya ang hagdanan patungo sa second floor.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Ewan. Marahil ay napagod din ang isip ko sa pakikipagtuos sa naramdaman ng aking puso. Kaya nagpaubaya ako.

Nasa second floor na kami noong hila-hila pa rin ang aking kamay. Lalo akong kinabahan noong lumampas kami sa pintuan ng kuwarto ko at doon niya kao dinala sa harapan ng pintuan ng kanyang kuwarto. “Buksan mo!” utos niya.

Pagkapasok na pagkapasok namin, agad niya itong ni-lock at saka bigla akong niyakap at hinalikan sa bibig.

Nngunit nagpumiglas ako. Itinulak ko siya ng malakas at napatihaya siya sa sahig.

Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat. Nanatili siyang nakaupo, ang dalawang kamay ay itinukod sa sahig. “Ganyan ka na...” ang sambit niya.

Tatalikod na sana ako upang buksan ang naka-lock na pinto at aalis na. Ngunit mabilis siyang nakatayo at hinablot muli ang buhok ko, hinila ako patungo sa kama at itinulak sa ibabaw noon. Napatihaya ako.

“Palabasin mo ako!” Sigaw ko. “Pag hindi mo ako pinalabas, sisigaw ako!” dugtong ko.

Ngunit bigla niya akong dinaganan. “Ano ba ang problema mo? Ha? Bakit ba nagkaganyan ka? Ayaw mo na ba sa akin? May iba ka na ba? May nagawa ba akong masama?” ang sunod-sunod niyang tanong, halata sa kanyang mga mata ang galit.

“Ayaw ko na kuya! Ayoko na!” Bulyaw ko naman.

Ramdam ko ang lalong pagtindi ng kanyang galit. “Ayaw mo na?! Ganyan lang kadali ang lahat?! Akala mo ba ay naglalaro lang tayo? Ha???!” Pwes, hindi ako papayag!! Hindi ako papayaaaagggg!” sabay ng puwersahan pagdiin ng kanyang bibig sa mga labi ko.

“Uhhhmmppp!!!” ang nasambit ko, hindi na nagawang sumagot pa sa kanyang sinabi gawa ng kanyang pamumuwersang paghalik.

Nagpupumiglas ako. Subalit pati ang mga kamay ko ay dinaganan din ng kanyang mga kamay at paa. Napakalakas niya. Hindi ako makakilos.

Noong tinanggal na niya ang kanyang bibig, nagsalita siya, dinig ko pa ang habol-habol niyang paghinga, “Akala mo ganyan lang kadali para sa akin ang lahat? Hindi ako papayag tol. Ayoko! Ayokooo!”

Napatitig na lang ako sa kanyang mukha na mistulang nagmamakaawa. Mistula akong nabusalan. At halos hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking luha sa naghalong hindi ko maipaliwanag na sumusundot-sundot na kung anong emosyon sa aking kalooban. May awa akong naramdaman para kay kuya. May awa rin akong naramdman para sa sarili. May saya akong naramdamang paulit-ulit niyang ipinadama sa akin ang kanyang pagmamahal. Ngunit may sakit din itong dulot dala ng katotohanang hindi kami nababagay para sa isa’t-isa.

Tila may naghilahan sa aking isip. May parteng nagsasabing pakawalan ko na siya, layuan, limutin bagamat may isang parte din ng aking utak na nagsabing kaawaan ko siya at panindigan ang aming pagmamahalan. Ewan, hindi ko na alam ang gagawin. Parang habang pinipilit ko ang sariling i give-up ko na siya, lalo namang tumindi ang pagmamahal ko kay kuya.

“Mahal kita tol... palagi mong tandaan iyan. Walang sino mang makakahdlang sa nararamdaman ko para sa iyo. Ipaglaban kita kahit ano man ang mangyari.... Kahit saang panig ka man ng mundo mapunta, hahanapin at hahanapin pa rin kita. Kung kailangang suyurin ko ang malawat na dagat o lakarin ang mainit na disyerto, hahanapin pa rin kita. Haharapin ko ang ang lahat ng balakid, titiisin ang lahat ng sakit at hirap, hindi ako titigil sa paghahanap sa iyo. Walang silbe ang buhay kapag wala ka. Alam ko, ikaw ay ibinigay sa akin ng tadhana. At ako ay nabubuhay para lamang sa iyo...” at inilapat niyang muli ang kanyang bibig sa aking bibig.

Dama ko ang init ng kanyang pagnanasa. At wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya habang walang tigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga mata.

Hanggang sa iginapang niya ang kangyang mga labi sa aking buong katawan at ang tanging ingay na naririnig sa buong kuwarto ay ang aming mga ungol. At tuluyan nang nalupig ang aking pag-aagam-agam at ang aking isip ay naalipin sa init ng kanyang pagmamahal...

Noong maipalabas na naming pareho ang bugso ng aming damdamin, halos tulala pa rin ako. Bumabalik muli ang aking takot, ang aking pagaagam-agam.

“Huwag ka nang mag-isip ng kung anu-ano tol... Tandaan mo palagi na nand’yan lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwanan. Ipaglalaban kita tol. Kaya kung ano mang problema ang bumabagabag d’yan sa isip mo, pilitin mong kalimutan iyan. Ipangako natin sa isa’t-isa na kapag may problemang haharang sa ating pagmamahalan, sabay nating haharapin ang mga iyan, sabay nating labanan, ano mang dagok o pagsubok. Mahirap kapag ako lang ang nakikipaglaban tol. Mahirap kapag nag-iisa lang akong humarap sa mga balakid na susuungin natin. Ipaglaban mo rin ako. Ipakita mo sa akin na mahal mo ako, na nand’yan ka rin para sa akin; sa pagmamahalan natin. Huwag mong ipadama sa akin na nawalan ka na ng lakas, na nawalan ka na ng pag-asa. Nasasaktan ako... At lalo nang huwag mo akong ipamigay sa iba. Hindi isang bagay ang pag-ibig na puwede mong sabihing sa iba na lang ako, o na nababagay ako sa iba. Hindi sukatan ang pisikal o panlabas na anyo upang masabi mong bagay o hindi bagay sa isa’t-isa ang dalawang taong nagmamahalan. May sariling lingguwahe ang puso na tanging kapwa puso lamang ang nakakaunawa. Wala itong batas na sinusunod, walang sukatan, walang kinikilalang katuwiran. Hindi mo puwedeng itanong kung bakit, kung kailan, kung paano, kung dapat kanino dahil kapag tunay kang nagmahal, ang mga ito ay walang kasagutan at katuturan. Kapag tumibok ang puso, lahat ay tama; kung nagiging mali man ang isang pag-iibigan sa mata ng tao, ito ay dahil hindi nila lubos na nauunawaan ang lingguwahe ng tibok ng puso...” Paliwanag ni kuya habang iginuri-guri niya ang kanyang daliri sa aking baba, ang kanyang hubad na katawang nakatagilid paharap sa akin ay nakadikit sa aking tagilirian at ang isang paa ay nakapatong sa aking hubad ding katawan.

At sa narinig kong iyon, pakiramdam ko ay natunaw ang lahat ng mga pag-aagam-agam ko. Pakiwari ko ay naging malakas uli ang loob ko, may kapangyarihan kung saan ay kaya kong talunin o buwagin ang lahat ng mga balakid. Napalitan ng saya ang dati lungkot na bumalot sa aking isip. Parang muli akong nabuhay, sumigla, at napuno ng pag-asa.

“Mahal na mahal din kita kuya...” ang nasambit ko na lang, ang mga luha ay muling dumaloy sa aking mga mata.

Binitiwan ni kuya ang isang nakakabighaning ngiti, pinahid ng kanyang palad ang mga luha sa aking pisngi atsaka hinalikan ang aking huhok. Maipangako mo ba sa akin na alisin mo na ang lahat ng mga pag-aagam-agam d’yan sa iyong isip?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na mamahalin mo ako habambuhay at ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin?”

“Pangako po kuya...”

“Maipangako mo ba sa akin na wala ka ng ibang mamahalin kundi ako lang?”

“Pangako po kuya...”

Tumayo si kuya at hinila ang aking kamay upang alalayang makatayo din ako. Parehong hubo’t-hubad, wala kaming pakialam sa aming paligid.

Tinumbok namin ang kanyang locker at binuksan ang drawer. Hinugot dito ang isang box na noong binuksan, tumambad sa aking mga mata ang dalawang singsing na silver. Kinuha niya ang isa at nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa.

Lumuhod siya sa aking harapan sabay sabing, “Will you marry me?”

Ngunit hindi ko siya magawang sagutin sa sobrang pagkabigla. Hindi ko kasi inaasahan na iyon ang gagawin niya at parang gusto kong tumawa. Ano ba ang isasagot ko gayong hindi naman kami puwedng magpakasal? Kaya bagamat kinikilig, hindi ko napigilan ang sasriling hindi matawa.

“Tangina! Huwag ka ngang tumawa d’yan! Seryoso ako!” bulyaw niya.

“Paano ba tayo magpakasal? Hindi naman puwede iyan dito?” sagot ko naman.

“Hindi puwede sa kanila. Pero dito sa loob ng kuwarto ko, pwede. Ako ang batas dito at ang sabi ng batas ko, puwede akong magpakasal kahit kanino basta mahal ko!”

Bigla naman akong natahimik. Syempre, naramdaman kong seryoso talaga siya.

“O, anong sagot? Daliii!”

E, di “Yes...” ang may pag-aalangan kong sabi.

“Yeheeeyyyy!!!” sigaw niya. At kaagad kinarga niya ako sa kanyang mga bisig at hinahalik-halikan. Kitang-kita ko ang matinding saya sa kanyang mga mata.

Noong ibinaba na niya ako, hinugot naman niya sa ilalim ng box na pinaglagyan ng dalawang singsing ang isang papel at idinikit niya ito sa gitna mismo ng malaking salamin. 

“A-anong gagawin mo d’yan kuya?” ang tanong ko.

“Basta sundin mo lang ang lahat na sasabihin ko.”

Tumahimik na lang ako.

Kinuha niya ang isang kandila, sinindihan, at itinirik sa ibabaw ng mesa sa harap din namin.

Pagkatapos niyang gawin ang mga ito, hinawakan niya ang kamay ko. “Harap tayo sa salamin tol.” Utos niya.

Magkatabi kaming humarap sa salamin kung saan nandoon nakadikit ang papel. Halos bibigay na naman ako sa pagtatawa noong makita ko sa salamin ang postura naming dalawa na parehong hubo’t-hubad, nakalaylay pa ang aming mga pagkalalaki, ang kanya ay bagamat hindi tumigas ay malaki at mahaba pa rin.

Itinakip ko ang aking kamay sa akign bibig noong hindi ko mapigilang matawa.

Na ikinagalit naman niya. “Huwag ka ngang tumawa d’yan!” bulyaw niya uli.

Tinanggal ko na lang ang aking kamay sa pagkatakip sa aking bibig at pinilit ang sariling huwag tumawa.

Hindi ko talaga alam kung ano ang pumasok sa kukute ng kuya ko.

Nasa bingit na nanam sana ako sa pagpigil sa pagtawa noong Kinuha niya ang remote ng stereo at pinatugtog ito –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Mistula akong nabuhusan ng malamig na tubig. Sobrang touched talaga ako sa mga ginagawa ni kuya at ang mga kataga ng kanta ay parang mga sibat na isa-isng tumama sa aking puso.

Itinutok ko ang pansin sa nakasulat sa papel na idinikit ni kuya sa salamin. At lalo pa akong namangha sa pagkabasa ko nito. Parang gusto kong umiyak na naman.

Hinawakan ni kuya ang aking kanang kamay at itinutok sa aking hinlalaki ang singsing. Bagamat sa pang-apat na daliri dapat isinukbit ito, sinadya ni kuyang sa mga hinlalaki namin ito isusuot.

Habang isinusukbit ni kuya ang singsing sa aking hinlalaki, binasa naman niya ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ERWIN, take you, ENZO, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ERWIN take you, ENZO, for my lawful partner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

Habang lumabas sa bibig ni kuya ang mga katagang iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak muli ng aking luha. Hindi ko lubusang maisalarawan ang matinding kasayahang naramdaman.

Pagkatapos, kinuha naman niya ang isang singsing at ibinigay iyon sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko atsaka inabot ko rin ang kanang kamay ni kuya at habang isinukbit ang singsing sa kanyang hinlalaki, binasa ko din ang nakasulat sa papel na nakadikit sa salamin, “I, ENZO take you, ERWIN, to be my partner. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I will love you and honor you all the days of my life. I, ENZO, take you, ERWIN, for my lawful prtner, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, until death do us part..”

At noong maisukbit ko na ang singsing sa kanyang daliri, nagsalita si kuya habang nakaharap sa salamin, sa aming dalawa. “I now pronounce you, husband and man...” At siniil na niya ng halik ang mga labi ko.

“I love you tol...” ang sabi niya hawak-hawak ang aking pisngi.

“I love you too kuya...” ang nasambit ko sa gitna ng pagpatak ng aking mga luha. “Pinaiyak mo na naman ako e...”

“Masaya ka ba?” tanong niya habang pinapahid ng kanyang kamay ang luha sa aking pisngi.

“Opo...”

Niyakap niya ako. Nagyakapn kami. Mahigpit na parang wala nang bukas pa sa main gbuhay.

Pagkatapos, tinanggal niya ang papel sa salamin. Kumuha ng ballpen, pinirmahan ang pinakadulo ng papel, at nilagyan ng petsa. Ganoon din ang ginawa ko.

Kinarga niya ako sa kanyang mga bisig. “Mag-asawa na tayo tol... aking-akin ka na!” sambit niya habang inilatag ako sa kama at pinahiga. “Mamaya tol, magpaalam tayo na pupuntang Isla Verde. Isang gabi at isang araw tayo doon, honemoon. Wala namang pasok bukas at sa isang araw e.”

“T-talaga kuya?” Ang sagot ko, excited na excited at walang mapagsidlan ang kaligayahan.

Hindi pa kasi ako nakapunta sa islang iyon. Iyon ang isa sa apat na maliliit na magkatabing isla na malapit sa lugar namin at may 3 oras ang biyahe sa pumpboat. Hindi masyadong dinadayo ang islang iyon ng mga tao dahil bagamat maganda ang beach, walang itinayo na hotel o resort, wala pang maiinum na tubig, walang nagbebenta ng pagkain. Sanctuary kasi ang isla na iyon; inaalagaan at pinoprotektahan ng lokal na pamahalaan laban sa mga poachers, magnanakaw ng corals at lamang dagat, mga negosyanteng nais angkinin ang isla para sa pansariling interes. At bagamat pinapayagan naman ang mga bumibisita, bawal ang magkalat, bawal ang mag-iwan ng basura, at bagamat puwedeng mamingwit, bawal ang net at pana sa panghuli ng isda at mga lamang-dagat. Bawal din ang mangharvest ng mga giant clams na sadyang pinoprotektahan na siyang pinakamagandang atraksyon sa isla. Maraming bawal kumbaga. Kaya ang nagpupunta lang doon ay mga nature-trippers, mga taong ang nais ay adventure, nagdadala ng mga sariling tents, baon na pagkain at tubig, etc.

Alam ko ang gustong mangyari ni kuya para sa amin: privacy kung saan puwede naming gawin ang kahit ano na walang mga matang nagmamasid at nanghuhusga. Gusto din niyang mag nature-trip kami, mamingwit, maligo... isang ambiance na may dagat, may malalaking puno, presko ang hangin at tubig, at higit sa lahat, sarili namin ang isa’t-isa at ang mundo...

Nagpaalam kami kay mama at papa na mag-adventure kami sa isla. At pinayagan naman kami.

Mag-aalas 10 na ng umaga noong marating na namin ang mismong isla. Inihatid kami ng isang pumpboat service na inarkila naming maghatid sa amin at sumundo din sa amin kinabukasan.

Walang katao-tao sa dalampasigan noong dumating kami. “Bukas na po namin kayo sunduin Sir sa hapon?” ang tanong ng isa sa dalawang taga pumpboat na naghatid sa amin.

“Opo!” ang sagot naman ni kuya.

Kapag may problema po kayo, may dalawang naka-assign na coastguard na nagbabantay d’yan sa loob ng isla. Puwede kayong maghinig ng tulong kung ano man ang kailangan ninyo.” Dugtong ng naghatid sa amin.

“Ok po! Salamat!” ang sagot uli ni kuya.

Maganda ang isla. Puting buhangin ito na may habang halos kalahating kilometro na parang new moon ang pormang nakapaikot sa isla. Mula sa dagat at may halos 50 metro din ang saklaw nito bago marating ang mga malalaking puno ng talisay na mistulang bantay ng isla. Malamig ang simoy ng hangin. At bagamat malapit na ang tanghali, ang lilim ng mga puno ang panangga namin sa init ng sikat ng araw.

Inilatag kaagad ni kuya ang tent namin at inayos ang mga gamit samantalang ako ay nagtatakbo sa dalamapasigan. Napakaganda ng lugar na iyon. Malinaw namalinaw ang tubig at napakaaliwalas ng dagat. Parang isang paraiso ito. At para kaming si Adan at Eba, sarili namin ang paraisong iyon at sarili namin ang isa’t-isa. “Ang ganda kuya!” Sigaw ko.

Noong bumalik na ako sa tent, nakahanda na ang pagkain namin. Gumawa pala ng apoy si kuya at ininit ang mga pagkaing pinapabaon sa amin ni mama kagaya ng adobong manog, inihaw na baboy, at may sabaw din at kare-kare. “Kain muna tayo tol!” sambit ni kuya.

Kumain kami. Kamayan, nakaupo sa buhangin sa lilim ng malaking puno ng talisay. Naka-jersey shorts lang si kuya, walang damit pang-itaas. Habang sumusubo ako ng pagkain, hindi ko naman maiwasang itutok ang tingin sa kanya.

Napabuntong-hininga ako, sumagi sa isip na sana ay hindi siya magbabago, na sana ay hindi na matatapos ang saya na nadarama ko sa tagpong iyon.

“Nahinto naman si kuya sa pagsubo ng pagkain noong mapansing nakatitig ako sa kanya. “Nag-iisip ka na naman...” sabi niya.

Lumipat ako ng upuan, tumabi sa kanya. “Ang saya-saya ko kasi kuya... Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang nadarama ko.”

“Ako rin tol... masayang-masaya akong kapiling ka at nakikita kang masaya. Sana ay hindi na matatapos ang kasayahang ito...” sabay akbay sa akin at halik sa aking pisngi.

Isinandal ko naman ang ulo ko sa kanyang balikat. Inakbayan niya ako.

“Kain muna tayo” sambit niya.

Sinubuan niya ako at sinubuan ko rin siya.

”Pagkatapos nating kumain, pahinga muna tayo, mga dalawnag oras. Gusto ko maka-score ng apat na beses sa dalawang oras na iyan” sabay bitiw ng nakakalokong ngiti.

Napangiti naman ako. “Kaya mo naman?” ang biro ko. Feeling ko talaga ay totong mag-asawa kami. Ansarap pala ng pakiramdam kapag may asawa ka at mahal na mahal ninyo ang isa’t-isa.

“Pagkatapos, iikutin natin ang buong isla. Kain uli tayo at kapag mga alas 4 na ng hapon, mamingwit tayo para iulam natin sa hapunan, inihaw na isda. O kung gusto mo, kilawin...”

“Sige kuya! Masarap iyong inihaw na isda na preskong-presko pa! Atsaka iyong kilawin.” sagot ko naman.

Kaya iyon ang ginawa namin. Pagkatapos kumain, ako na ang naghugas ng pinggan at nagligpit ng kinainan namin. Habang si kuya ay nauna nang naligo sa dagat, hubo’t-hubad.

Sumunod din ako. Dali-dali kong hinubad ang lahat ng saplot sa aking katawan at lumusong na sa tubig. Para kaming mga paslit na naglalaro, naghahabulan, naghaharutan. Syempre, nagyayakapan, naghahalikan sa buhangingan.

“I Love you Enzooooooooooooo!!!!!” sigaw ni kuya.

“I love you Erwinnnnnnnnnnnn!!!!” sigaw ko rin.

“Mahal na mahal ko ang baby bro koooooooooo!!!!”

“Mahal na mahal ko ang kuya kooooooooooo!!!”

Para kaming mga bata na walang kamuwang-muwang at walang pakialam sa mundo. Sa islang iyon, libre naming nagagawa ang mga bagay na hindi namin kaya at puwedeng gawin. Ang islang iyon ang tanging saksi sa aming pagmamahalan.

Noong mapagod na, pumasok na kami sa loob ng tent. At doon, pinaalpas muli namin ang aming nag-aalab na pagnanasa sa isa’t-isa. Paulit-ulit. Hanggan sa kapwa napagod at nakatulog.

Alas kwatro ng hapon noong magising kaming pareho. Nagsuot ng damit atsaka inikot ang buong isla. Npakaganda talaga ng tanawin. Iba’t-ibang kahoy, puno ng niyog, mga mahahabang talahib. Paminsan-minsan ay lumulusong kami sa tubig at tinitingnan ang mga laman-dagat na kagaya ng mga octopus, sea shells, at ang pinakasikat sa lugar na iyon, ang giant clam na halos kasing laki kung hindi man mas malaki pa kaysa bunga ng niyog at nasa di kalaliman pa ng tubig.

Alas 5 ng hapon Noong maikot na namin ang buong isla. Pagod ngunit masaya.

Kinuha ni kuy ang kanyang pamingwit at naupo kami sa isang malaking bato na nakaharap din sa palubog na araw. Napakaganda ng tanawin. Napakamatiwasay ng dagat. Napaka-presko ng hangin.

Lumubog ang araw na nakabingwit kami ni kuya ng may limang isda. Dalawa ay malalaki na halos tig-iisang kilo ang bigat. Gumawa ng apoy si kuya at inihaw ang isang malaki at ang iba pang mga maliliit. Ang isang malaki naman ay ginawa niyang kilawin.

Masarap ang kain namin sa hapunang iyon. Puro presko ang lahat at pareho kaming nabusog. Inilabas ni kuya ang baon naming beer, pati na ang gitara niya, atsaka kinantahan ako –

Para kang asukal
Sintamis mong magmahal
Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tiyan
Para kang kumot na yumayakap
Sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang maawala

[chorus]

Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Di baleng maghapon umulan
Basta’t ikaw ang sasandalan
Liwanag ng lumulubog na araw
Kay sarap pagmasdan
Lalo na pag nasisinagan ang iyong mukha
Hinding-hindi magsaawa
Ayoko ng magsawa
Bahala na, ayoko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang hatol ng tadhana

Alas 9 ng gabi noong maisipan na naming pumasok sa tent. Med’yo lasing na kami ngunit hindi kami agad natulog. Wal akaming ginawa kundi ang maglambingan, magyakapan, maghalikan at paulit-ulit na binabanggit ang mga katagang “I love you...” Iyon na siguro ang pinakamasayang sandali sa buhay ko.

Nakatulog kami na hindi ko na alintan ang takbo ng oras. Nagising na lang ako kinabukasan noong tumama sa aking mata ang sinag ng araw.

Kinapa ko kaagad ang katawang katabi ko; ang kamay na nakayakap sa akin, at ang paang dumadantay sa aking harapan.

Wala. Bigla akong bumalikwas sa higaan. At kahit hubo’t-hubad, lumabas ako sa dalampasigan. “Kuyaaaaaa!’ sigaw ko.

Ngunit walang kuyang sumagot sa akin. Pinilit kong ikutin ang isla, nagsisigaw, tinatawag si kuya Erwin. Subalit wala pa ring sumagot sa mga tawag ko.

Bumalik ako sa tent, nagbakasakaling nandoon na si kuya. Ngunit wala pa rin.

Ibayong kaba at takot ang aking naramdaman. Nag-iiyak na ako, hindi alam ang gagawin.

(Itutuloy)

Si Utol At Ang Chatmate Ko 24

Laking gulat ko talaga sa ginawang paghalik sa akin ni kuya na hindi ko na magawang pumalag pa.

At ewan ko rin ba, bagamat may naramdaman akong takot na mapansin kami ng mga to, napayakap na rin ako sa kanya at ninamnam ang sarap ng kanyang paghalik. Panandalian kong nalimutan na nasa isang lugar kami, kung saan may maraming tao. Mistulang lumulutang ako sa ulap at pinaligiran ng mga anghel at mga cherubim...

At noong tinanggal na niya ang mga labi niya, binitiwan niya ang isang ngiting nang-aamo, dagdagan pa sa mga matang nangungusap, sabay sabing, “Uwi na tayo...”

Iyon lang. Para akong isang ice cream na nalusaw. Napawi ang lahat ng aking sama ng loob, ang aking mga pangamba, ang lahat ng takot.

Tumayo siya ay inabot ang aking kamay upang makatayo na rin ako. Hinablot ko ang kamay niya, hinawakan, at noong makatayo, inakbayan niya ako at tinungo na namin ang isang sulok sa parkkung saan nakaparada ang aming sasakyan.

Parang wala lang pakialam si kuya sa mga taong nakapaligid. Noong nilingon ko ang pinanggalingan namin, kung saan kami nakaupo at hinalikan niya ako, nakita ko pa ang ibang nakatabi namin na sinundan kami ng tingin, mistulang natulala at hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihang paghahalikan namin ni kuya.

“Hayaan mo na ang mga iyan.” ang sambit ni kuya noong mapansing tiningnan ko rin ang mga taong nakatingin sa amin. “Naiinggit ang mga iyan. Tingnan mo ha, hindi nila maiimagine na may isang napakapoging nilalang ang sumulpot galing sa langit at sa iyo humalik at hindi sa kanila?”

“Eeeeeeewwwwwwww!” ang bigla kong pag react sabay kurot sa gilid niya. “Baka isang demonyo galing sa impyerno ang ibig mong sabihin” dugtong ko pang nakatawa.

“Napakaguwapong demonyo ko naman...” sagot niya.

“Gutom lang iyan kuya... Huwag kang mag-alala, malulupig din iyang kung ano mang dumagit sa matino mong pag-iisip kapag nakakain ka na.” Dugtong ko.

Noong makaangkas na kami sa sasakyan at akmang ipaandar na ito ni kuya, hindi ko naman maiwasang titigan siya. “Ang gwapo talaga ng kuya ko!” sigaw ng isip ko. 

Ngunit sa paghanga ko sa kanyang iyon ay hindi ko rin naiwasang hindi pumasok sa isip ko ang problemang kinakaharap namin; sa aming pagmamahalan. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga.

Napansin ni kuya ito at imbis na paandarin ang sasakyan ay napatingin siya sa akin. “Anong problema? Ba’t ganyan ang tingin mo?” tanong niya.

“W-wala lang...” ang maiksi kong tugon.

“Iyan lang? Tapos ganyan ka kung makatingin? At kung makabitiw ng buntong-hininga ay parang pati baga ay nailuwal mo rin d’yan sa ilong mo?”

Tahimik. 

“Ano?”

“M-mahal na mahal kita kuya...”

At hindi na nakatiis ni kuya. Binitiwan niya ang paghawak sa steering wheel, inilingkis ang isang kamay sa katawan ko, hinalikan ang aking buhok at hinaplos ng isa niyang kamay ang aking mukha. “Mahal na mahal ko din naman ang baby bro ko eh... Huwag ka nang malungkot. Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano...”

Npayakap na rin ako sa kanya.

“Kung gusto mo hipuin mo na lang ang sugat ng kagat mo sa aking katawan. Mahapdi pa iyan.”

At naalala ko ang pagkakagat ko sa katawan niya, at ang mga sugat din ng pagkagat niya sa katawan ko. Bigla tuloy may pumasok sa isip ko. “Hindi ba iyan napansin ni Zach?”

“Napansin din. Nagtanong siya.”

“Anong sabi mo?”

“Sabi kong kinagat mo noong nagalit ka sa akin.”

Sandali akong natahimik. “Naniwala naman siya?”

“Palagay ko ay... may pagdududa siya. Pero hindi na mahalaga kung maniwala man siya o hindi tol. Ang importante, hindi na siya galit.” 

Tahimik. Sumagi kasi sa isip ko ang tanong kung ano ba talaga ang pinagdaanang problema ni Zach na binanggit ni Ormhel. Parang naaawa at nakokonsyensya din ako sa nangyari sa kanya.

“O ano... ayaw mo bang hipuin ang sugat ko?” giit niya.

Na agad ko namang sinunod. Isiniksik ang aking kamay sa ilalim ng kanyang t-shirt at iginapang ito sa kanyang katawan. Damang-dama ng aking kamay ang init ng kanyang balat, ang lambot at kinis nito. Noong masalat ko na ang namaga pa niyang sugat sa may bandang dibdib, hinaplos ko ito.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap sa akin ni kuya sabay bitiw ng mahinang pigil na pag-ungol, “Uhmmmm” sanhi ng naramdamang kirot o kiliti sa aking paghaplos.

Iginapang ko muli ang kamay ko sa dalawa pang parteng kinagat ko. Dahan-dahan, ninamnam ang sensasyon ng pagdampi ng kamay ko sa balat niya. At sa bawat paghahaplos ko, hinihigpitan din niya ang pagyakap sa akin kasabay ng pagpipisil-pisil niya sa aking braso.

Habang nasa ganoong pagpipisil ako sa balat niya, iningat ko ang paningin ko sa mukha ni kuya. Nakapikit ang kanyang mga mata habang kagat-kagat ang sariling labi na tila nasarapan.

“Bakit ka nasarapan sa paghahaplos ko sa sugat mo?” 

“Ramdam kasi ng buong kalamnan ko ang ginawa mo. Parang ang sarap namnamin ang magkahalong sakit, sarap, at kliliti na ginawa mo sa aking balat at katauhan. Sa sakit na dulot nito, naramdaman kong hindi ako invincible; at nilupig mo ang aking tatag at tibay. Sa sarap ay naramdaman kong may nagmamahal sa akin; at ang sarap na mabuhay dahil sa pag-ibig mo. Sa kiliti ay naramdaman kong buhay na buhay ang pagkatao ko; at kapag nawala ka, maglalaho din ang sigla, ang lakas, at buhay na ito...” sagot niya, ang mga matang mistulang nangungusap ay nakabuka ng bahagya at nakatutok sa mukha ko. 

Sa narinig, hindi ko naiwsang pumatak ang aking mga luha. Napakaganda ng kanyang sinabi. 

“Gusto mo, haplusin ko na rin ang sugat mo?” 

“S-sa bahay na lang kuya...” ang sagot ko na lang. 

Hinalikan muli ni kuya ang ulo ko sabay kalas niya sa pagkakayakap sa akin, atsaka pinaandar na ang sasakyan.

Noong dumating kami sa bahay, agad kaming nagtatakbo patungo sa kuwarto ni kuya. Para kaming hinahabol, nag-uunahan papasok. At noong nasa loob na, agad naming ini-lock ang pinto. Dali-dali din kaming naghubad n gaming mga saplot hanggang sa pareho na kaming hubo’t-hubad.

Agad akong niyakap ni kuya, lingkis na lingkis ang kanyang kamay sa aking katawan. Siniil niya ng halik ang aking mga labi na tinugon ko rin ng kasing init ng kanyang halik.

(Torrid Scene. Available soon. Please go to: http://torridparts.blogspot.com)

Balik na naman ang normal na routine namin ni kuya. Sabay kami palaging pumapasok at umuuwi ng bahay galing sa school at kapag may activity at magtatagal pa siya, pinapahintay niya ako, at kapag ako naman ang may activity, siya din ang maghihintay. Minsan din kapag gusto niyng maglaro ng basketball, nandoon lang ako, parang gago na nanonood at nagchi-cheer sa laro niya.

Tuluyan na rin niyang iniwanan ang pagiging chickboy. Bagamat alam kong maraming nagpaparamdam at nagkakaroon ng crush sa kanya, hindi na niya pinapatulan pa ang mga ito, hindi kagaya noong dati na kahit sinong babae, basta alam niyang type siya at naghahanap ng paraan para makuha siya, pinagbibigyan niya.

Sa side naman ni Zach, pinanindigan din niya na hindi na niya kami gagambalain pa. Hindi siya nanggulo, at kahit sa pagtitext, wala nang natanggap si kuya. At pati sa chat ay hindi na rin nagparamdam. As in wala na talaga. In fact, wala dinilete na rin niya yata ang ym niya dahil wala na ito sa listahan namin. Ok lang naman sa amin iyon kasi, wala na kaming problema ni kuya. 

Pero, iyan ang akala ko. 

May dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos ng hiwalayan moments nila ni kuya at Zach noong isang masamang balita ang ntanggap namin mula kay Ormhel. “Nasa ospital si Zach at grabe ang kanyang kalagayan” text ni Ormhel sa akin. Binigay din niya ang ospital kung saan naka ICU si Zach.

Agad kong ipinabasa ito kay kuya. At nagulat din si kuya, nalungkot. “P-puntahan natin siya sa ospital tol...” ang mungkahi ni kuya.

“S-sige kuya. Sasama ako.”

Pagakatapos ng pagkatapos ng aming klase ay agad kaming nagpunta sa ospital na tinukoy ni Ormhel. Sa oras na iyon ay nasa ICU pa rin pala si Zach. 

Nakita namin ang ibang mga staff ng resort nila Zach, halatang galing sa pag-iiyak gawa ng pamamaga ng kanilang mga mata. “Talagang mahal nila ang kanilang amo...” bulong ko sa sarili.

Sa isang sulok, nandoon din si Ormhel na bakas din sa mukha ang matinding kalungkutan. 

Agad namin siyang nilapitan. “Tol... anong nangyari kay Zach?” ang tanong kaagad ni kuya.

“N-nabangga ang motor niya, tol... sa isang poste ng kuryente. Lasing na lasing kasi. May mga nagsabi ding mukhang sinadya niyang ibangga ang kanyang sasakyan. May mga nakakitang deretsahang tinumbok daw ng kanyang motor ang mismong poste. Tumilapon siya at hayun, halos magkalasog-lasog na ang katawan...” 

“B-bakit naman niya ginawa iyon kung totoong sinadya niya nga?”

“Ewan ko ba sa taong iyan... May malaking problema kasing dinadala. Akala ko naman ay kaya niya kasi, nakayanan niya ito ng mahigit isang buwan simula noong madiskubre niya ito. Ngunit nitong nakaraang halos dalawang linggo lang, iba na ang ipinakita niya. Palagi na lang siyang malungkutin, tuliro, malalim ang iniisip. Nag-iba na siya, palaging wala sa sarili, mainitin ang ulo. Tapos palagi nang naglalasing at ang matindi, may mga babae at mga lalaki din siyang dinadala sa hotel, kung sinu-sino na lang. Nag-iinuman sila, party, at pagkatapos... ay m-magsi sex sila... orgy.”

Pakiramdam ko ay para kaming nasabugan ng bomba ni kuya. Kasi sa huling dalawang linggo, iyon na ang time kung saan hiniwalayan na ni kuya si Zach. Gumapang sa pagkatao ko ang matinding pagka-konsyensya. Nagkatinginan kami ni kuya. “A-alam mo ba kung ano ang problema ni Zach?” tanong uli ni kuya.

Natahimik si Ormhel. “A-ayoko munang sabihin tol... ipinagbilin kasi sa akin ni Sir Zach na hindi ko sasabihin kahit kanino.

Nagkatinginan uli kami ni kuya. Alam ko kasing may nauna nang sinabi si Ormhel na problema ni Zach bagamat hindi niya ito sinabi. Ngunit tumatak sa isip ko na ang hiwalayan nila ni kuya ang dahilan kung bakit tuluyan na siyang bumigay at nagwala.

“Tsk! Tsk! Tsk!” ang ang reaksyon ni kuya, napailing-iling.

Ako man ay namangha sa hindi kapani-paniwalang nangyari kay Zach. Akala ko kasi, napakalakas niyang tao, napakatatag. Sa sobrang pagmamahal lang lang pala niya kay kuya siya bibigay...

Dahil nasa ICU pa si Zach at hindi pa namin puwedeng makausap, ibinilin na lang namin kay Ormhel na balitaan kami kapag may bagong development. 

Sa pag-uwi namin, ramdam ko ang lungkot ni kuya. Marahil ay isiniksik niya sa isip na siya talaga ang dahiln at wala nang iba kung bakit napariwara si Zach. Parang nahirapan siyang tanggapin ang lahat.

“K-kuya... kung sakalaing maka-recover si Zach sa nangyari, matatanggap ko kung magkabalikan kayo. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo kuya… Huwag mo nang pahirapan pa si Zach. Mahal na mahal ka niya at handa na akong magparaya...”

“Hindi ko naman siya mahal tol e... Lalo lang akong mahirapan kapag pumasok ako sa isang relasyon na pilit. Paano naman ang kalagayan ko? Paano ang kalagayan natin? Saan hahantong ang lahat kung ang isang tao ay tuluyang aasa sa isang pagkukunwaring pagmamahalan? Di ba unfair iyan para sa akin? Unfair din para sa iyo? At lalo nang unfair para kay Zach...” ang sagot ni kuya. 

“Mahal mo si Zach kuya, naramdaman ko. Ngunit hindi mo lang ito maipalabas kasi... nandito ako. Kasi, iniisip mong hindi ko ito matatanggap. Kaya ko na kuya... Huwag mo akong alalahanin.”

“Ano ba yang sinasabi mo tol... lalo mo lang ginulo ang isip ko!” ang sambit ni kuya, ang boses ay tumaas, halatang nairita sa sinabi ko. At bigla na lang siyang tumalikod at umakyat sa kuwarto niya.

Tumalikod na lang din ako, pumasok sa aking kuwarto. At doon, ibinuhos ang lahat ng sakit na aking naramdaman. Nag-iiyak, naglupasay. “Tama lang na sila ang magkatuluyan. Kung ipagtagpi-tagpi ang lahat ng mga pangyayari, tumbok ng mga ito ang pagkakatuluyan nilang dalawa.” Bulong ko sa sarili. 

Sinilip ko ang aking laptop kung ano ang ginawa ni kuya sa kuwarto niya. Ngunit patay ang ilaw at ang naaninag ko ay ang nakahigang hugis ng tao sa ibabaw ng kama, nakatihaya. Alam ko, gising si kuya, ang mga mata niya ay nakatutok lang sa madilim na kisame.

Sa pangatlong araw, nagtext sa akin si Ormhel. Nakalabas na raw ng ICU si Zach at bagamat hindi pa makakilos ay conscious na. 

Dali-dali na naman kaming dumalaw. Nagkataong sabado iyon, walang pasok kaya dumeretso na kami sa ospital.

Noong pumasok kami sa ward niya, lumantad kaagad sa aming mata si Zach na nakahiga sa kama, nakatihaya at nakapikit ang mga mata; may bendahe sa ulo, sa ibang parte ng katawan, may tubes na nakakabit sa kanyang ilong, bibig, ang isang paa ay nakatali at bahagyang nakaangat at may mga monitoring devices na nakakabit sa katawan... larawan ng isang kalunos-lunos na kalagayan.

Nakita namin si Ormhel na nakaupo sa isang gilid. Naroon din ang ibang naka-off duty na mga staffs ng resort nila, bakas ng lungkot ang kanilang mga mukha.

Lumapit kami sa kama ni Zach. Hinila ni Ormehl ang dalawang silya upang makaupo kami.

Hinawakan ni kuya ang kamay ni Zach. Pinisil ito. “Zach... si Erwin ito, natandaan mo pa ba ako? Na-miss ka namin ni Enzo, Zach. Kumusta ka na?”

Unti-unting ibinuka ni Zach ang kanyang mga mata, nakatingin sa kisame, hindi magawang igalaw ang kanyang ulo.

“Zach... lakasan mo ang loob mo. Nandito lang ako... kami ni Enzo na mga kaibigan mo. Lagi kaming nand’yan lang sa tabi mo, Zach.” 

Nanatiling nakabuka lang ang mga mata ni Zach. Walang bakas ng emosyon o expression sa kanyang mukha.

“P-pwede bang halikan kita?” ang naitanong ni kuya.

Para akong matatawa na naaawa sa narinig. Syempre, may sundot ding selos sa aking puso iyon.

At nakita ko na lang na pinisil ng kamay ni Zach ang kamay ni kuya na nakahawak din sa kamay niya, hudyat na pumayag siyang halikan ni kuya.

Tiningnan ako ni kuya na ang mga mata at tila nanghingi ng permiso na halikan niya si Zach. Tumango ako; wala akong tutol.

Tumayo si kuya ay yumuko sa kama ni Zach. At noong dumampi ang mga labi ni kuya sa pisngi niya, doon ko nakita ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Zach.

Mistulang piniga ang puso ko sa nasaksihan. Matinding awa ang naramdaman ko para kay Zach. Naawa din ako kay kuya, sa kalagayan niya. At nagdurugo ang aking puso...

Pagkatapos ni kuyang halikan si Zach, pinahid ni kuya gamit ang kanyang kamay ang mga luhang dumaloy sa pisngi ni Zach.

At doon, tuluyang hindi ko na nakayanan ang bigat ng aking naramdaman. Tumayo ako, tinapik ang balikat ni kuya at nagmuestra na aalis muna. Bagamat nagulat, nakita kong tumango si kuya. 

Dali-dali kong tinumbok ang pintuan at lumabas, iniwasang makita niya ang pagpatak ng aking mga luha.

Tinungo ko ang CR ng ospital at sa loob ng cubicle ko ipinagpatuloy ang pag-iyak. Doon ibinuhos ko sa pag-iiyak ang lahat ng sama ng loob.

Marahil ay naka-kalahating oras na ako sa loob ng cubicle noong may narinig ako. “Enzo! Tol...!” Si kuya.

Agad kong pinahid ang mga luha at sipon ko, inayos ang sarili at kinundisyon ang utak na huwag magpahalata. “K-kuya? Nadito ako, lalabas na ako!” sagot ko naman.

“Ok antayin kita sa labas tol.”

“Sige po kuya. Matatapos na ako.”

“U-umiiyak ka ba?” Ang tanong kaagad ni kuya noong nasa labas na ako ng CR. Marahil ay napansin niyang namaga o namula ang aking mga mata.

“H-hindi ah!” ang pagtanggi ko. Iyon na lang kasi ang nakita kong paraan upang huwag mahirapan ang kalooban ni kuya; na kung si Zach man ang pipiliin niya, na magawa niya ito na hindi na siya mahihirapan pa dahil hindi niy ako makikitang nasaktan. 

“Kumusta si Zach kuya?” tanong ko habang naglalakad na kami papunta sa aming sasakyan.

“Ganoon pa rin naman siya. Pero naririnig niya ang mga sinasabi ko kasi nagawa niyang pisilin ang kamay ko na tila sinasagot niya ang aking mga sinasabi. Sabi nga ni Ormhel, noon lang daw nila nakitang tila masigla si Zach. Kasi, hindi daw nito dati ibinuka ang mga mata, palaging nakapikit, at hindi iginagalaw ang mga kamay kapag kinakausap.” 

“Ganoon ba?” Ang naisagot ko. “Ikaw lang ang makakapagbigay sa kanya ng lakas ng loob kuya. Kaya dapat lagi kang nasa tabi niya.”

Natahimik si kuya. Ewan kung ano ang naglalaro sa kanyang isip.

Nakarating na kami ng sasakyan noong iminungkahi kong, “D-dito ka na lang kaya muna kuya? Ako na lang ang uuwi?”

“Hindi pwede, wala kang kasama”

“E... kung gusto mo ihatid mo na lang ako at bumalik ka na lang...”

Nag-isip si kuya. Maya-maya, “Bukas na lang uli natin siya bisitahin” ang maiksi niyang tugon sabay paandar sa sasakyan.

Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan namin ni kuya habang umaandar ang sasakyan patungo sa aming bahay. Hindi ko alam kung ano ang naglalaro sa kanyang isip; kung bakit ganoon na lang katahimik si kuya. Sa parte ko naman, hindi ko magawang magsalita gawa nang sakit na naramdaman ng aking puso. Lingid sa kaalaman ni kuya, lihim akong umiiyak

Dumating kami sa bahay na halos hindi nag-iimikan. Hindi na kumain ng hapunan ni kuya at ako din, nawalan na rin ng gana. Kaya diretso na kami sa aming kanya-kanyang mga kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko, agad kong ibinagsak ang pagod kong katawan sa ibabaw ng aking kama. Pakiramdam ko, pagod na pagod ang aking puso at pati na rin ang aking isip at katawan. Nakatulog ako. May ala-una ng madaling araw noong magising ako at maisipang silipin ang laptop kung ano ang ginawa ni kuya sa kanyang kuwarto. 

Noong maaninag ko ito, kinabahan ako noong tila walang laman ang kama ni kuya maliban sa kumot at mga unan. Lumabas ako ng kwarto at pinasok ang kuwarto ni kuya. Noong nabuksan ko na ang ilaw, wala nga si kuya!

Bumaba ako sa car park at tiningnan ang sasakyan. Doon ko narealize na umalis si kuya, at hindi nagpaalam sa akin!

Muli, naramdaman kong sumikip ang aking dibdib. Mistulang sinaksak ang aking puso at hindi ko na naman napigilan ang hindi mapaiyak. Malakas ang kutob kong sa ospital ang punta niya, kay Zach. Dahil dito, hindi na ako dinalaw pa ng antok, ano mang pilit ko na ipikit ang aking mga mata. Nagpabaling-baling na lang ako sa aking higaan, hindi mawala-wala sa isip ang eksenang magkasama sina kuya at Zach. 

Alas 5 ng umaga, may text akong natanggap galing ka kuya. “Tol... morning. Sensya ka na, hindi na kita inistorbo kagabi. Tulog ka na noong pumasok ako sa iyong kwarto. Gusto ko sanang isama ka dito sa ospital kaso ayokong maistorbo kita sa tulog mo. Buksan mo ang drawer mo. May tsokolate at rosas ako para sa iyo. Mamaya sunduin kita d’yan... Love you. Mwah!”

Hindi ko sinagot ang text na iyon ni kuya. Tumayo ako at tinumbok ang aking drawer. Noong buksan ko ito, tumambad sa paningin ko ang isang bloke ng toblerone at pulang rosas na may nakadikit na card. Binuksan ko ang card, “Tol... tandaan mo palagi, mahal na mahal ka ni kuya...”

Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hininga. Ewan, hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman. Parang may kulang, parang may nag-iba... Parang imbes na maglupasay ako sa tuwa ay ibayong sakit ang aking naramdaman...

Itiniklop ko ang kard at muling ipinasok iyon sa aking drawer na parang wala lang... Bumalik ako sa aking higaan at muli, nagmuni-muni.

Alas syete ng umaga, hindi pa rin ako bumalikwas sa aking higaan. Ni tawag ni mama sa almusal ay tinanggihan ko, sinabi ko na lang na hindi ako nagugutom. Pati sa kanila pala ay hindi nagpaalam si kuya. Kaya sa akin na rin nila nalaman kung saan siya naroon.

Alas 7:30 noong mag-ring ang aking cp. Si kuya. “Tol... papunta na ako d’yan. Sunduin kita. Kumain ka na ba?”

“Hindi pa po. Wala akong gana.”

“Ok, sabay na tayong kumain ha? Tapos punta na tayo sa Ospital. Hinahanap ka ni Zach. Nakakapagsalita na siya.”

“T-talaga kuya? Mabuti naman po... Ok kuya, sabay tayong kumain.” ang sabi ko, itinago ang hindi ko maipaliwanag na sakit na naramdaman.

30 minutos lang at nakarating na si kuya. Kunyari ay bagong gising ako at masaya. Nakapaligo na rin.

“Hindi pa naman siya talagang OK tol, pero nakakapagsalita na kahit papaano, kahit pautal-utal at nahirapan. Ang narinig kong sabi daw ng duktor ay marami pang dapat na i-check sa katawan niya, lalo na ang sa utak. Kapag nagkataon daw, baka tuluyan na siyang ma paralyze. At ewan ko, parang may sinabing kumplikasyon or something...” Ang sabi ni kuya habang nasa hapag-kainan na kami.

“G-ganoon ba kuya? Sana ay gagaling na siya...” ang nasabi ko na lang.

Tahimik.

“A-anong oras ka umalis dito kagabi?” tanong ko.

“Mag-aalas dose na tol... Himbing na himbing ka na e kaya hindi na kita ginising.”

“Ok lang iyon kuya. Kailangan ka ni Zach eh. Alam ko, ikaw lang makakapagbigay sa kanya ng lakas at sigla...” ang sabi ko.

Marahil ay napansin pa rin ni kuya ang lungkot sa aking mga mata o talagang naramdaman lang niyang nasaktan ako kaya binulungan niya ako, “Pagkatapos nating kumain, punta tayo sa kwarto ko ha? Sabay tayong maligo. Na-miss ko ang bunso ko eh... nangigigil pa ako.” sabay kindat sa akin.

Alam ko, may malaswang balak si kuya. “Tapos na akong maligo kuya eh...” ang sagot ko.

“Ah basta, punta muna tayo sa kwarto ko.” Ang giit niya.

At nagpunta nga kami sa kwarto ni kuya. Pagkapasok na pagkapasok pa lang naming ay agad niyang ini-lock ang pinto at nagmadaling naghubad na parang may humahabol. Una, tinanggal niya ang t-shirt at pagkatapos, ang jeans, sabay na ang brief. Walang kyeme. 

Ewan, kahit ilang beses ko nang nakita at natikman ang katawang iyon ni kuya, hindi ko pa rin magawang pagsawaang pagmasdan iyon. Ang flawless niyang balat, ang ganda ng hubog ng kanyang dibdib, abs, oblique muscles, at lalo na ang mahabang nakalambitin sa gitna ng kanyang paa. Hindi ko maiwasng hindi mamangha, humanga, maalipin ng pagnanasa.

“Na-miss kita tol...” sambit niya sabay hila niya sa akin, at pinasandal ako sa pintuan.

“K-kuya...” ang nasambit ko sa pagkagulat. “M-maligo ka muna ah!” dugtong ko.

“O sige, kiss na lang muna” sabay dampi naman ng mga labi niya sa mga labi ko. Matagal ding naglapat ang aming mga labi. Naramdaman ko pa ang pagtigas ng pagkalalaki niya sa aking harapan.

Hanggang sa ako na ang tumulak sa kanya atsaka pa siya bumitaw at dumeretso sa shower habang naupo naman ako sa kama. “Lika tol, sabay tayong maligo”

“Ayoko kuya. Tapos na ako eh...” ang sagot ko bagamat may malakas ding udyok sa loob-loob ko na sundan siya sa loob ng shower. 

Habang narinign ko ang pagpatak ng tubig mula sa shower, naalimpungatan ko na lang ang sariling hinubad ang t-shirt, ang pantalon, at ang brief at sinundan si kuya sa shower. 

Tuwang-tuwa si kuya noong makita akong sinundan siya. Mistula siyang nag-freeze sa ilalin ng patak ng tubig sa shower habang nakaharap sa akin. Dahan-dahan ko siyang nilapitan at noong pareho na kaming nasa ilalim ng patak ng tubig, bigal niyang hinawakan ang aking ulo at siniil ng halik ang aking labi. “Tol... miss na miss na kita, uhhhhhmmmm!” sambit ni kuya.

Ramdam ko kaagad ang biglang paglaki ng ari ni kuya na bumubundol-bundol sa aking puson. Sinuklian ko ang kanyang halik ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hanggang sa kapwa naalipin na kami ng kamunduhan at matinding pananabik sa isa’t-isa. At tuluyan nang natakpan ng mga ungol namin ang ingay ng pagpatak ng tubig sa shower...

Mag-aalas onse na ng tanghali noong makarating kami sa ospital. Sa pagbisita naming iyon naabutan namin ang daddy ni Zach. Pakiramdam ko ay tumayo ang mga balahibo ko sa katawan sa pagkakita ko sa mukha ng daddy niya. Naalala ko kasi ang huling insedente sa ospital din na iyon kung saan naka unipormeng militar siya at may dala pang baril. Bagamat naka civilian clotehes na siya sa pagkakataong iyon, hindi ko pa rin maiwasang hindi manginig sa takot. Napaihi kaya ako noong tinakot niya kaming barilin ni kuya.

Tinitigan kami ng daddy ni Zach, mistulang nagtatanong ang kanyang titig. “O, may mga bisita ka Zach.” Sambit niya. 

Lumingon sa amin si Zach. At noong makita niya kami ni kuya, nakangiti ito. 

Marahil ay napansin ng daddy niya na natuwa si Zach na nakita kami, nagpaalam kaagad ito. “Aalis muna ako, son...” sabay tampal sa mukha ni Zach. “Pagaling ka ha?” at tumalikod na, tinumbok ang pintuan ng kuwarto.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Ang buong akala ko ay dadaan na naman kami ni kuya sa matinding torture. 

Agad kaming kumuha ng upuan at hinila iyon sa gilid ng kama ni Zach. Muli, hinawakan ni kuya ang kamay niya. Mistula talaga silang magsing-irog na matagal nang nagsama, alam na alam na ang bawat isa. “Musta ka na tol... Heto pala, dinala ko si Enzo.” Sambit ni kuya.

“O-oo nga...” sagot niya, halatang nahihirapan sa pagsasalita. At baling ng tingin sa akin, “Salamat tol sa pagbisita...”

Isang ngiti lang ang itinugon ko.

Ibinaling niya ang tingin niya kay kuya. “T-tol... pwede bang mag-usap kami ni Enzo? Kaming dalawa lang...” pakiusap ni Zach.

“Ok... Sure.” ang tugon naman ni kuya sabay tayo at tumbok sa pintuan ng kuwarto.

Noong wala na si kuya, pilit na inabot ni Zach ang aking kamay at hinawakan ito. “P-pasensya ka na sa nagawa ko sa iyo tol... sa sobrang pagmamahal ko siguro sa kuya mo.”

“Ok lang iyon, Zach. Kasi ako naman din ang pasimuno ng lahat eh... At pasensya na rin sa pang-aaway ko sa iyo. Alam ko, masama ang ginawa kong mga pagsisinungaling...” Sagot ko.

“Wala na sa akin iyon, Enzo. Nakalimutan ko na iyon. Ngayon ko narealize na dapat pala ay hindi tayo nag-aaway kasi, ang hirap kung palaging may poot sa puso, palaging mabigat ang dinadala...”

Binitiwan ko ang isang pilit na ngiti. “Salamat Zach. Alam mo, matagal nang hindi ako galit sa iyo...”

Tiningnan niya ako sa mata. “M-mahal mo ba ang kuya mo?” 

Tila may humataw naman na matigas na bagay sa ulo ko sa narinig na tanong. Pakiwari ko ay may isang sibat na tumuhog sa aking puso. May kung anong bagay na bumara sa aking lalamunan. At narmdaman ko na lang ang mga namumuong luha sa gilid ng aking mga mata. Pilit kong nilabanang huwag umiyak; na huwag ipakita sa kanyang apektado apektado ako. “E...” ang nasambit ko, hindi malaman kung magsinungaling o aaminin ang totoo.

Ngunit sumingit na si Zach. “A-alam ko naman na ikaw ang mahal ng kuya mo e.” 

Na sinagot ko naman ng, “Hindi Zach... Mahal ka ni kuya. Alam ko, mahal ka niya!”

“Paano mo nasabi...?”

“N-noong maghiwalay kayo, umiyak siya. Para siyang tuliro sa ilang araw na lumipas simula noon. At ngayong may nangyari sa iyo, hindi siya mapakali... Ikaw ang mahal niya, Zach. Ang pagmamahal niya sa akin ay bilang isang kapatid lang” sagot ko. “At hindi kami bagay Zach. Ito ay malaking bawal.” 

Tahimik.

“At napag-isip-isip kong ayoko na at ang gusto ko para sa kuya ko ay ikaw. At sinabi ko na rin ito sa kanya...”

“M-mahal mo ba ang kuya Erwin mo?” giit niya.

At sa pangalawang tanong niya na iyon, hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking luha. Hindi ako nakasagot gawa ng pagsikip ng aking dibdib. 

Pilit na inabot ng kamay ni Zach ang aking katawan at hinila ito upang mapalapit sa kanya. Sumampa ako sa kama niya at inilingkis ang isa kong kamay sa katawn niya habang ang isa ay pahid-pahid ang mga luha sa aking pisngi.

“Panindigan mo ang pagmamahal mo sa kanya tol... You deserve each other.” Ang tugon ni Zach.

Kumalas ako sa pagkayakap ko sa kanya. “Hindi Zach, para kayo sa isa’t-isa. Mali ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ito tama. Alam ko, naguguluhan lang si kuya...”

“Basta tol... tanggap ko na ang lahat sa amin ng kuya mo. Tandaan mo palagi iyan. Ok na ako...” 

“Puwes, hindi ako OK, Zach. At kaya ko ring tanggapin na hindi kami bagay ni kuya. M-mahal ka ni kuya. Maniwala ka...”

Binitiwan ni Zach ang isang pilit na ngiti sabay bukas ng isa niyang kamay, pahiwatig na gusto niya akong yakapin. 

Niyakap ko uli siya. 

Ewan, ngunit sa pagyakapan naming iyon ay may iba akong naramdaman, pagkahabag, pang-unawa... Parang may kung ano akong naramdaman familiarity, parang matagal ko na siyang kilala...

“P-puwede bang ‘kuya’ na uli ang tawag ko sa iyo?”

Napangiti uli si Zach. “Kuya mo naman talaga ako e... dati pa.” sagot niya.

Sa pag-uusap namin ni Zack, kahit papaano, naibsan ang aking lungkot at bigat ng dinadala. At sa pag-uusap din naming iyon nabuo ang isang desisyon: iiwasan ko na si kuya. Mabigat na desisyong iyon. Ngunit ipinangako kong pipilitin kong magawa ito.

Alas 4 ng hapon noong makauwi na kami ng bahay ni kuya. Pagkapasok namin sa sala, nadatnan namin si mama at papa na may kausap na mag-asawang Pinay at Amerikano. Halos kasing-edad lang ni mama ang babae at ang lalaki ay nasa mahigit 60 na yata at seryosong-seryoso silang nag-usap. 

“Hi Ma! Pa!” ang pagbati namin ni kuya sa kanila at dumeretso na kami sa hagdanan patungo sa pangalawang palapag kung saan nandoon ang mga kuwarto namin.

Bigla silang natigilan at napansin kong ang babae ay sinundan ako ng tingin hanggang sa pag-akyat ko sa hagdanan, at nakita ko pang itinuro niya ako kay mama na parang may sinabing, “Siya ba iyon? Siya ba iyon?” 

Napansin kong bigla na lang akong hinawakan sa kamay ni kuya at hinila paakyat sa aming kwarto, na para bang nagmadali at pilit akong inilayo sa kanila.

Tinanong ko kaagad si kuya. “Sino iyon kuya? Bakit para niya akong kilala? Ngayon ko lang naman nakita iyong babaeng iyon ah...”

“Huwag mong pansinin iyon! Bisita lang iyon nina mama at papa.”

“Kilala mo ba ang babaeng iyon kuya?”

“Hindi! Dali naaa sa kuwarto! Bilisss!” 

Kahit hawak-hawak ako sa kamay ni kuya, pinilit ko pa ring silipin ang mag-asawa. Ngunit mistulang hinarangan na siya ni mama na mistulang ibinaling ang atensyonn nila sa ibang bagay. “Kuya! Alam kong kilala ako ng babaeng iyon! At pakiramdam ko ay kilala mo rin siya. Sino iyon???” giit ko.

“Gusto mong malaman? Halika sa kuwarto ko... Dali na!”

(Itutuloy)