wHo ReAlLy aM I

My photo
Why Does it Always Rain on me. Nobody Dies Virgin cause in the end life Fucks us all.

December 5, 2010

MY YOUNGER YEARS SA UNCLE KO CHAPTER 2 (COLLEGE LIFE PART 28)

Amoy sunog, habang ako nasa kwarto natutulog,,

“patay, nasunog pala ang kanin at hindi ko pa natkpan ang kaldero,,

Narinig ko ang sigaw ng kanyang asawa,

hanziel, mabantot ang amoy hanziel,!!!

Kaya pinunthan ako ni uncle sa kwarto…

“ HOY! JUSTINIANO!!! Ang sinaing mo nasunog, umitim na ang niluto mong kanin at hindi mo tinakpan pa, pambihira naman to oh, nag luto ka nga!



Sa inis niya, napisil naiya ang mukha ko na parang nang gigil,, ahay, iwan bah,!!!yon lang ang nasabi ko..

Paglabas ko ng kwarto, galit na an gang asawa niya, ask in kulang nalang kakainin ako hilaw sa galit, at nag mura pa,,

PUTANG INA NA YAN!!HANZIEL, MAG SAING LANG HINDI MARUNONG!!! LETCHE!!! LETCHE!!! PUNYETA!PUNYETA, DI INISIP NA MAHALA NGAYON ANG GASUL AT BIGAS, SINAYANG LANG!!!! WALANG SILBI!!!

Sa narinig kong yon, naasar ako eh, symepre, murahin ka ng todo todo, peru si uncle wala nang sinabi, nagsaing nalang ulit, habang ang asawaa niya, talak ng talak!!!

Hoy! Tumigil ka!!!!!!!!!!!! Sigaw ni uncle sa kanya,, ang liit liit na problema, pina palaki pa,,,

Bakit ba? Dimo ba inisip din na wala yang alam!!! First time pang mag saing,, intindihin mo yon, hindi puro sarili lang ang iniisip, sabi niya sa asawa niya,,

Sa galit ng asawa niya sa akin, hinambalos niya ako ng mag binili nila, peru hindi ako natamaan, ang pinto lang kasi noong inaksyon na niyang itapon sa akin, sinara ko agad ang pinto. Hahahaha

Tumigil din siya sa kaka dak dak! At naluto na ang sinaing na kanin, kaumain na, at tinawag na ako ni uncle,, hindi na ako lumabas,,


JUSTIN,, JUSTIN,, HALI KANA KUMAINN NA TAYO!!!

Peru d ako sumagot, at umiyak nalang ako sa loob kasi ikaw paba namang murahin ng murahin, pra yon lang! kaya pumasok si uncle sa kwarto,

Baby, huwag kana magtampo, di naman ako galit eh, yaan mo na yon,,,

Humarap ako sa kanya, na luhaan,

Kunti lang naman yon uncle ah, sige uncle lilipat nlang ako ng tirahan doon sa cubao banda, bukas, mag hanap ako ng malilipatan ko, sabihin ko ky tita, ngayon, e text ko siya, tska alam ko naman uncle na si tita nag papadla din sayo ng pera ah pambili ng bigas at kung anu pang kailangan ditto sa bahay, kaya kung nasunog yong bigas na yon at nag aksaya sa gasol, bayad din ah,, pag tatampo,,,

Bakit uncle, hindi ba alam ni ante karyl na nagbibigay si tita sayo,, baka nakalimutan niya!!

Tumahimik si uncle at malungkot,,,

Hindi ako kakain, bukas pa naman ata ang starmall ngayon, doon nalang ako kakain, sabi ko,,

Sus to wooh, nag tatampo agad, hayaan mo na nga yong ante karyl mo,,

Kaya pinag bigyan ko siya,,,sumama akong lumabas at kumain,,

Nakaupo na si karyl, nag ngingitngit sa’ galit! Mata palang!! Peru hindi ako natakot noh,,

Naka upo’ na ako, sa mesa, bigla siyang tumayo sa likuran at kinutusan ako agad, eh di nasob sob ang mukha ko sa mesa kasi malakas eh, tsaka yong anak nila, malaki na kaya yon, tahimik lang, hindi rin ako pinag tawanan!!!

Sa nakita ni uncle,, sinigawan niya si karyl,

Hoy, ikaw!!! Ang liit ng problema, pina palala mo!!!

Bakit mo ba kino konsente to ha!!!!! sigaw niya,

Bakit ba!? Alam mo naman na wala yang alam! !! putang ina ka!!

Bweset ka! Bweset! At pinag hihila ang buhok ko,,

At dahil nasasaktan na ako,,,pinatolan ko na….

Anu ba!!!!? Nasasakatan na ako !!!! punyetah ka! !!! ikaw pa ang unang naka panakit sa akin! Bakit ba? Anu ang pinag mayabang mo? Kasi dahil ditto ako naka tira sa inyo? Hoy!!!talipandas,!!! para malaman mo, binibigyan ni tita si uncle na ng panggastos ha! at kung umasta ka, para nang libre ang lahat!!! Hoy,!!!! Hayop na bakulaW ka!!! Hindi libre ang pag tira ko ditto!!!at tandaan mo na, noon at noon pa , walang hiya ka!! Hindi kappa dumating sa buhay ni uncle, ni minsan wala akong maalala na pinarushan nila ako!!! IKAW PA LANG!!! HAYOP KA,,!!!!

(Umiiyak na ako,, puno na ng luha ang mata ko,,, kasi diko na matake na ako mismo nag mumura na, oo I admit, masama ang ugali ko, ngunit hindi ako nag mumura, minsan lang kung mainis na, !!!)

At baka sa akala mo dahil mahirap lang ang magulang ko,,easy easyhin mo lang akong saktan na akala mo hindi ako lalaban!!!!

At kahit na hindi na mga magulang ko ang nag palaki sa akin!! Peru pinalaki ako ng mga tao na nagmahal sa akin!!! Si uncle! Si lola, si ante kaye, si tita aileen, si tito Ronald, at ni minsan ulit ha! ni kurot, di nila ginawa sa akin!!!sabi ko!

IKAW AT IKAW PA LANG, KAHIT PAPA AT MAMA KO wla!!!..

Natamimi siya sa sagot ko!!! Hindi niya akalain na meron pa akong tita na kapatid nang papa ko na siya gumastos sa akin pag college!!!

Nahiya siya, at kumalma,,,

Kasi buong akala niya is si uncle hanz ang nag tostos sa aking pag aaral ng college,

Atleast ako panalo, na,, hahaha

Hoy! Talipandas!!! Bakit ka tumigil jan ha? at tandaan mo sa araw na ito na pananakit mo sa akin sa walang kwentang pag saing na’ yan! Hinding hindi kana maka apak sa bahay nila uncle doon sa probinsya,,, tandaan mo yan,,!!sabay walk out!!

Uncle! Aalis na ako ditto, tawagan ko si tita,aaaa… sigaw ko…

Justin, wag ka muna mag padalos dalos bata ka!! Bukas na!!!pwede ba…

Sige bukas na, peru hindi ako ditto matulog, samahan mo nalang ako mag hanap ng hotel doon, dahil ayokong Makita ang pag mumukha nang asawa mo!!!sabi ko,,

At baka hindi mo alam uncle, nitong mga ilang buwan na lumipas, ang mga pinaghahanda nag asawa mong yan sa umaga, is puro lang itlog, minsan hotdog, puro paulit ulit, at lagi nalang niya akong pina pa ringgan na dagdag gastos ako ditto!!!

At noong nag tagaytay ka uncle, dibah pag dating dami paso paso ung braso dahil pina pag luto niya ako, at di niya sinasabi na kung hindi pala iinit ang mantika, pumuputok putok pala! Walang hiya siya, at yong cp ko na kakabili lang, sinadya niyang ilaglag, dahil akala niya yong perang inabot mo sa akin is pera mo, !!! sabi ko..

Napa nga nga si uncle sa kalitohan sa pinag gagawa ng asawa niya sa akin,,,

hitad talaga ang talipandas,

Kaya siguro noong nakaraang buwan, nag kasakit ako kasi puro wlang sustansya yong pinag kakain ko,,,at pansin mo, hindi na ako kumakain sa umaga, kasi puro ganun na lang,,itlog, scrumble or boild , footlong or hotdog, !!!! matigas na kanin, anu akala niya sa akin aso? O pusa?

( nag sumbong ang lola niyo, hehehe, todo api talaga ako ng hitad niyang asawa promise, hanggang ngayon dipa ako naka move on sa sama ng loob sa kanya!!)

Di naka imik si uncle,, at nanlaki ang mata sa sinumbong ko,,,

Palibhasa kasi ugaling manila ang nasanayan niyang hitad mong asawa!!! Maramot!!! Anung pinag malaki niya sa maynila, eh galling naman sila sa squatter, kung hindi naka dali ang nanay niya ng mayamang costumer sa malate, malamang, doon parin yan sila!! At maka japan lang! parang sino na! hm!!! Kapal!!! Sabi ko

(Talagang hindi umimik ang asawa ni uncle,,, heheheheh kung sana sinabihan lang ako!! Tatanggapin ko naman! Peru away ang gusto eh!!)

Nasa loob na ako ng kwarto, hindi na ako kumain, nawala ang gutom ko.hehehehe

Pumasok si uncle sa kwarto,

Hoy, hwag ka munang pa dalos dalos ok, ditto ka lang,, sabi niya,,
Bakit sumasagot sagot kana ngayon, mali man ikaw o hindi, hayaan mo lang, ok, masama yan ang pinakita mong ugali, hindi ganun ang tinuro ni lola mo, ok,

Alam ko mali mo, peru yon' na eh, mali na kung mali, at alam ko din naman na nag uumpisa kappa lang matoto, kaya naintindihan ko yon, hayaan mo na yong hayop kung asawa na talak ng talak,

Ako parin ang masusunod dito sa bahay, kahit ano ang gawin niya, ok!
At kiniss niya ako sa pisngi, oh anu kakain ka, dalhan kita dito sa loob ng pagkain, kasi dika na nakakain eh,,sabi niya,,

Hmmmmmmmmm, sabayan mo akong kumain, eh, hehehehehe sabi ko,
Ok, wlang problema, yon lang naman pala, dali lang, kuhanan kita ng pag kain,

,,,peru kahit ganun, sinumbong ko parin ang asawa ky tita and mark,,

Tinext ko lang si tita, at di nag reply peru

Tinawagan niya ako,

( iba na ang rington eng cp ko kasi iba na ),,

Calling calling calling,,


JUSTIN : hello ta,,
TITA: Bakit anong nangyari jan?
JUSTIN: eh pinag saing ako eh tapos nakalimutan kung takpan ang kaldero noong kumulo kulo, hanggang sa sumingaw ang tubig and na tuyo at nasunog, at alam mo noong nasa tagaytay si uncle pinag luto kya niya ko ng isda, eh puputok pala pag di pa mainit ang mantika, kasi nilagay ko agad, di niya ako tinuruan, tsaka noong nagkasakit, lagi nalng boiled eg, footlong or hotdog ang ulam, wlang lakas siya ta, kaya siguro nagkasakit ako,,at sinaktan pa ako ta,,, ( grabe ang sumbong ko )

TITA: anu? Baka naman hindi to totoo ha?
JUSTIN: ta, kailan paba ako nag lie sa inyo, ni minsan wla pa ta, at ngayon ta, hindi na ako kumain, kasi naasar na ako, masakit pa ang ulo ko ngayon kasi pinag hihila niya ang buhok ko, ayon, inaway siya ni uncle,

( kaya, naniwala ng tita ko sa akin, kasi totoo naman!!! )

TITA: sige sige, sa Tuesday, babalik na kami ni tito mo,, dadaanan namin’ jan, at mag hanap hanap ka ng malipatan na maayos kasi ipapalipat kita, walang hiya yang babaeng yan, !

JUSTIN: sige po’ ta, gudnyt !!!

At tumihaya ako, BALAk kong e text si mark peru hindi na,,,

Pumasok si uncle bitbit ang pagkain, at kumain siya muli, heheheh kahit busog na, kumain parin para lang sabayan ang kanyang pamangking spoiled, hehehehe

naawa na ako ky uncle kasi sa sobrang alaga niya sa akin, tuloy lumalala ang pagiging spoiled ko, iwan ko, ayaw naman nilang ayawan ako kung gusto , lahat ng gusto anjan agad, ,,,,


After 2 days, dumating na sila mula London, at dumeritso sila sa bahay ni uncle, at timing andun silang dalawa, hinintay nila akong makauwi kasi 6 pa ang uwian mula office, 8 akong nakauwi. Sa bahay, at pag dating ko , nakita ko agad si tita’ nasa sala naka upo kasama si tito, kaya binati ko silang ng Good evening..

Good evening tito, good evening tita, nag bless and and nag kiss,

Oh, Justin musta ang trabaho? Tanong ni tito,

Ok naman to, napa ka ‘ok” sa office to, and abot langit na ngiti ang pina kita ko,,

Mabuti naman kung ganun,,,,

Ta, saan si uncle, bakit wla siya? Tanong ko,,,

My binili doon sa starmall,, sabi niya,,

Napansin ko na parang na iilang ang asawa ni uncle hanz, kasi feel niya na tutugisin na siya ngayon sa pag mamalupit sa akin,

Ilang saglit mula sa pag dating ko sa bahay, dumating na si uncle, bitbit ang letchon kawali na ulam at manok,,

Hinanda ng asawa ni uncle ang mesa, para kakain na kasi gutom na din ako,,,

Heheheh,,,

Habang kumakain kami, nag salita na si tita, whew! Kakawindang, pati ako kinabahan din kasi kung ma highblood ang butihing kung tita, baka ipagtatapon ang mga plato sa mukha ng asawa ni uncle,,

Hanziel, ilang araw kaba doon sa tagaytay namalagi? Tanong niya,,

Isang lingo po nang! Sagot ni uncle,,,

Isang lingo din si Justin ditto na nag iisa, tanong niya ulit,

Hindi nang, ditto naman si karyl eh, sabi ni uncle,,

Oo, ditto nga peru wla namang umalalay sa bata, sabi pa niya sa akin noong nakaraang gabi, noong isang lingo kang wala, puro paso paso ang braso niya kasi lagi daw pinag piprito ng isda, at bakit hindi tinuruan na pag hindi pa mainit ang kalan, dipa pwede ilagay ang isda kasi didikit ang malamang puputok putok yon pag gagalawin, at bakit ba may rice cooker naman ata kayo, bakit pinag sasaing jan sa gasul eh, at siguro ang alam niya lang gawin ay sa rice cooker, kasi tinuruan yan doon sa sa mga katulong namin’ at ngayon, anong napala?

Sinaktan!!! At bakit ba hanziel, sabi niya yong mga kinakain niya puro hotdog, itlog footlong boiled egg, at matigas na kanin pa mula kinagabihan ang pina pakain?

Anu akala niyo sa kanya,? Baboy? Aso or Pusa? Deritsahang sabi ni tita,,

Nang, hindi ko alam yon, kasi ang akala ko kumakain siya ditto bago umaalis papunta ng office nila,, sagot ni uncle,

Oo, paano siya gaganahang kumain eh matigas daw ang kanin , malamig pa, sabi niya, kaya siguro siya nagkakasakit daw kasi wala na sa husto ang pag kain niya, at pansin ko din ngayon, medyo pumayat si Justin ngayon, sana ang dahilan ng pag payat niya ngayon ay sa layo ng byahe sa kanyang trabaho at hindi kakulangan sa pagkain ditto,,sabi niya kay uncle,

Si uncle ay tahimik, alam ko nahihiya na siya kay tita, naawa ako ky uncle kasi siya ang binanatan ni tita sa oras na yon, peru deneritso ni tita ang asawa niya,

“ maiba ako, ikaw karyl ang dahilan kung bakit kami nandito, para makita ng kalagayan ng pamangkin, lingid sa kaalaman mo, na spoiled na tong batang to, walang problema sa akin kung deseplenahin mo siya, mas mainam yon, peru yong bang saktan nalang basta basta ang tao na walang katuturan, yon ang kinasama ng loob ko, kasi ni minsan sa mga kamay namin’ hindi siya naka tikim ni sigaw ko, ni kurot ko, pati ang tito niya, wala yan siyang natikman sa amin,, peru I-K-A-W!!!! pa,!!!! ni mga magulang ng batang yan!! Hindi nakapanakit sa kanya,,

Noong nag aaral pa yan, may malaking kasalanan yan, malaking kahihiyan peru wala siyang narinig na bulyaw ko o panunumbat, mas kakahiya yon kasi buong skwelahan nakaka alam sa kahyopan niya, peru pinilit kung takpan alang alang na pamangkin ko siya,

Alam mo,!!! Matuto naman siguro yan siya kung turuan ng mabuti, hindi lang na hayaan lang ng hayaan sa mapahamak ang sarili niya, kasi nag sisimula palang!!!peru ano ang ginawa mo!!???

We admit, na my pag kukulang kami in terms of deseplena kasi inispoiled siya, peru yon ang alam ko kung paano siya maging mabuti, oo, mabait yan, noong nag aaral pa, masunurin, OO aaminin ko, lahat ng layaw niya, anjan!! Humingi man o hindi, peru I don’t remember na nagging suwail siya,,,WALA! WALA! Sabi ni tita,,

Habang si tita nag sasalita, heheheh ako naman busog na busog ako sa pag kain ko, kasi hindi naman ako ang senermoanan eh, kaya kain lang ako ng kain nag biglang akong dumighay,,, urrhhhhhhhhhhhhuuuuu,,,!!!

Tumingin si tita sa akin,,,,at sinabi,

hoy, justin montecarlo, gumalang ka na nag, sumusobra kana ha, justin, malaki kana, you must have to respect in order for you to grow better, hindi puro kabulastugan,,


opo tita, sorry po,,,, busog lang po ako, tapos tumawa ng pailalim,,, heheheh loka talga ako,,

Oh ayan karyl, kabastusan peru alam niya yon, nag sorry naman ang walang hiya kung pamangkin,,,sabi ni tita,,

“ natawa naman ako sa sinabi niyang walang hiyang pamangkin, hehehehehehe

Mula ngayon, ipapalipat ko na tong bata na manirahan, kaya wala nang hustle sa inyo ditto,, 

No comments:

Post a Comment